Dahil sa pagte-text daw ng kabastusan Richard Gutierrez, idinemanda na rin ni Nadia Montenegro!

HAY, NAKU! ‘Di na muna ako magbabalita tungkol sa development ng away nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro. Kahit maraming mga nangyari, nakakapagod na kasing magkuwento dahil lalong lumalala ang gulo.

Pagkatapos nilang magkita uli sa QC Prosecutor’s Office, may karagdagang kaso na naman kasi.

Nag-file si Nadia ng kasong Unjust Vexation laban kay Richard Gutierrez dahil sa mga tini-text daw nito na kabastusan. Kaya kasuhan na lang daw niya.

Eh, ang latest naman, alam ko nagsampa rin si Annabelle ng kaso laban kay Ynna Asistio at pati yata sa ilang reporter na nagsulat laban kay Richard.

Magulo na talaga. Kaya ewan ko kung kailan pa ‘to matatapos.

Tama na muna ‘yan dahil ayoko na nga munang magkuwento ‘di ba? Gow!

 

TSIKA KO na lang si Aljur Abrenica na naghahanda na ngayon sa promo ng pelikula nila ni Rhian Ramos na My Kontrabida Girl. Sa March 24 na raw ang showing nito kaya nagsisimula na silang mag-promote.

Sabi nga ni Aljur, natutuwa siya sa pagbabalik ni Rhian dahil ang laki na raw ng ipinagbago nito. Lalo nga raw gumanda at nakikita raw niyang pursigido itong magtrabaho uli. Kaya sana naman, mabigyan pa ito ng chance na makabalik sa showbiz. Malalaman natin ‘yan kung tatangkilikin ang kanilang pelikula.

Kahit si Rhian ang ka-partner niya rito, hindi pa rin matapus-tapos ang isyu nito kay Kylie Padilla na ang balita, break na raw sila. Paano naman  nila kukumpirmahing break eh, hindi pa nga sila umaaming sila na?

Pero nu’ng nakausap ng Startalk reporter namin si Aljur, wala raw nabago sa pagtitinginan nila ni Kylie. Ganu’n pa rin naman daw, kaya wala raw siyang ibang dini-date at ganu’n din si Kylie.

Bihira na nga lang daw sila nagkikita, pero nandiyan pa rin daw ang komunikasyon nila sa isa’t isa, at si Kylie pa rin daw ang nagbibigay-inspirasyon sa kanya.

Kaya kung totoo mang nag-break nga sila, ibig sabihin nagkabalikan? Malalaman din natin ‘yan kasi wala pa ring may umaamin sa kanila. ‘Yun na!

MABUTI PA si Jennylyn Mercado, wala nang itinatago, kundi open na open na nga talaga sila ni Luis Manzano.

Nu’ng nakaraang Linggo pala, nakabantay si Luis sa kanya sa dressing room ng Showbiz Central hanggang sa matapos ito. Sabi naman ni Jennylyn, hindi naman daw nagbabantay. First time pa lang nga raw na sinundo siya ni Luis dahil pareho naman silang abala sa trabaho. Pero aminado itong malalim na ang relasyon nila ni Luis at masaya raw sila sa ngayon.

Pero hindi naman daw totoong engaged na sila, dahil may nagkakalat nga ng ganu’ng balita.

Hindi pa raw nila pinag-uusapan ‘yun at hindi raw talaga handa si Jennylyn na magpakasal dahil bata pa ito. Pero inaamin naman niyang dinadalangin niyang sana si Luis na ang lalaking makakasama niya habambuhay. Ayaw na raw niyang may iba pang lalaking makakarelasyon niya. Masaya na raw sana siya kay Luis kaya sana sila na nga raw.

Malaki raw ang ipinagbago niya magmula nang naging sila ni Luis. Ang isa sa ipinagbago raw niya ay ang pagiging workaholic dahil ‘yun daw ang isa sa mga katangian ni Luis na ikinatuwa niya. Basta libre lang daw ang aktor, tinatanggap daw niya ang trabaho. Natuto rin daw siyang mag-ipon na naimpluwensya niya kay Luis.

Maganda nga ang ganu’n. ‘Yun ang sinasabi ko, eh. Meron talagang mga relasyon na lumalabas ang kabutihan mo, hindi ang kasamaan mo, ‘di ba? ‘Yun dapat ang pillin mo, ‘yung may magandang impluwensya sa ‘yo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Dahil sa pagte-text daw ng kabastusan Richard Gutierrez, idinemanda na rin ni Nadia Montenegro!

  1. Susme itong issue Nina AR at NM walang kamatayan gagastos LNG sila ng gagastos ng pera sa mga bagay na walang kwenta ang pambayad nila sa mga lawyers  nila I donate nalang nila sa mga nasalanta  marami pa silang matulungan

  2. nagtext daw ng kabastusan si RG kay nadia? i wonder kung ano laman ng text… baka ganito… “so… what are you wearing right now?” ahahahahahaaaa… YAAAAKKKK!!!!!

  3. next na mangaaway na anak ni annabelle kay nadia? si baklitang raymond! hahahaha. for sure baklang bakla ang mga comment ni ate raymong kay hippopotamus nadia hahahaha. abangan na lang natin, go ate raymond! kabugin mo si ritsard, wag lanmg sa text, mag comment ka ng bonggang bongga sa showbiz central! hahahahahaha

  4. ano ba iyang si miss piggy wala na alam kundi magdemanda! wala bang quota sa kasuhan.  konting utot lang demanda na agad si tabatchoy!

  5. Sana nga Jen kayo na ni Luis,but beware ineng madami mga haters dyan,they will try to crash your relationship,so continue praying,God is good

Leave a Reply

Your email address will not be published.