Dahil sa pagtaba Melissa Ricks, mas bagay na ang role na nanay!

MARAMI ANG NADISMAYA sa pagtaba ni Melissa Ricks nang mapanood sa ASAP Rocks sa launch ng pinagbibidahan nitong serye ang “Nasaan Ka, Elisa“ . Dinig na dinig ko sa katabi kong silya sa isang sikat na salon sa QC na nag litany ng “ Ayyyy ano ba yan, si Melissa ba yan? Bakit ang taba–taba hindi bagay sa kanya! “

Na dinugtungan naman ng kasama nito na nasa katabi naman nitong silya ng “ Baka na-depress kasi matagal din siya bago nagkaroon ng bagong show sa ABS CBN ! “.

Marahil ay nasanay ang mga tao na nakikita  at napapanood itong slim at sexy, nakakagulat nga naman na kung kailan may bago itong show ay tsaka naman siya tumaba , dapat nga raw ay ibalik ni Melissa ang dati niyang kaseksihan, dahil baka sa mga susunod na proyekto nito, ‘pag nagpatuloy ang pagtaba ay baka nanay role na ang ibigay sa kanya ng kanyang home studio. ‘Yun na!

 

PAGKATAPOS NG PAULIT-ULIT noong intriga at pag-uugnay kina Rich Asuncion at Aljur Abrenica na sinasabing nagkaroon ng relasyon, na patuloy namang idinidenay ng mga ito, at nauwi na sa iwasan at humantong sa ‘di pagkakaunawaan na tumagal ng halos ilang buwan, willing nang makipagtrabaho si Rich kay Aljur.

Tsika ni Rich na ngayong patay na ang issue sa kanila, at nali-link na siya kay Ervic Vijandre) at si Aljur naman ay kay Kylie Padilla, puwede na siyang maki-pagtrabaho kay Aljur sa mga next project ng GMA-7.

Dagdag pa nito na hindi lang siya kay Aljur open makipagtrabaho, kundi ma-ging sa napapabalitang GF nito na si Kylie. Para sa magandang young beauty queen, naka-move on na siya sa grabeng intrigang kinaharap nila noon ni Aljur at ngayon daw nila papatunayan na wala namang namuong relasyon sa kanila noon at naging close friend lang sila.

Sa ngayon daw, work ang hanap ni Rich. Kaya naman kahit sinong artista ang makasama niya, okey lang sa kanya, dahil ang mahalaga daw ay may trabaho siya at hindi nababakante.

 

HANGGANG NGAYON DAW hindi maiwasang mapaluha habang napapangiti si Arnell Ignacio sa tuwing maalala niya ang yumaong si Lola Madonna. Kuwento nga ni Arnell na sobrang tagal daw kasi na nakasama niya si Lola Madonna ay napamahal na siya rito at hindi na itinuring na iba, kundi kapamilya na.

Napapaluha raw siya dahil na rin sa dami ng magagandang alaala na magkakasama sila na talaga naman daw bumabalik-balik sa kanyang alaala. Habang napapaluha naman siya dahil na rin sa mga pagpapatawa ni Lola Madonna ‘pag magkakasama sila.

Kuwento pa ni Arnell, ang mahirap sa kanya ay hindi siya ganu’n kabilis maka-move on specially kapag may mga mahal siya sa buhay na pumanaw na at lagi-lagi lang bumabalik sa kanyang isipan ang mga alaala sa kanya ng mga ito. At kahit nga raw lumipas ang taon ay hindi pa rin ito ganu’n kabilis maka-move on, kaya naman daw sa pagpanaw ng isa sa malapit sa kanyang puso na si Lola Madonna, hinding-hindi daw ito makakalimutan ni Arnell habang siya’y nabubuhay.

 

CAUGHT IN THE act daw ang magka-loveteam na sina Hiro Magalona at Kim Komatsu na parehong regular cast ng Tween Hearts sa SM Megamall habang magka-holding hands na naglalakad.

Tsika pa ng aming source, sobrang sweet daw ng dalawa na animo’y sila lang ang tao sa nasabing mall. May mga insidente pa nga raw na binubulungan ni Hiro si Kim at sabay na tatawa. Dagdag pa ng aming source, baka raw mag-syota na ang dalawa at inililihim lang sa publiko, ayon na rin sa nakikitang ikinikilos ng mga ito.

Dahil kung loveteam lang daw ang pinagsasamahan ng mga ito, mahihiyang maging sweet sila sa isa’t isa lalo na`t wala naman sila sa harap ng kamera  at mara-ming tao ang nakakakita sa kanila sa mall. Kaya bira ng aming source, ‘wag na raw ipaglihim pa at umamin na raw sana ang dalawa na sila na nga talaga. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Dahil sa pagtaba Melissa Ricks, mas bagay na ang role na nanay!

  1. Oo nga parang tumaba nga si Melissa, peo maganda pa rin ang mukha nya at flawless ang skin. Sigi Melissa mag diet ka huwag mong pabayaan na maging mataba ka na kagaya ni Angelica Jones at iba pang mga artista dyan. Yong face at katawan nyo ay ang ticket nyo sa pag-artista. Doon kayo kumita ng kuwarta kaya alagaan niyo hindi lang yon kundi pati reputasyon nyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.