Dahil sa pagsi-shopping sa mga sale: reporters, nasalisihan ng kalabang istasyon sa exclusive coverage ng malaking event!

SANA THERE’S NO truth sa umano’y shopping binge ng mga sale hunters who composed an entourage of a famous personality (FP) at a recent event abroad.

The shoppers joined the FP for a historic happening, kung saan bahagi rin ng kanilang tungkulin was to ensure the exclusivity of the coverage. Malaki nga namang balita ‘yon, no doubt, the most anticipated one na kailangang makauna ang entourage na kasama ng FP.

Bago ang moment of truth, panay pa naman ang anunsiyo ng isang programa na ito ang maghahatid ng pinakasariwang ulat. But it turned out na nasalisihan ang entourage, na umano’y abalang-abala sa kanilang pamimili.

Ito ngayon ang kalat na kalat na tsismis sa istasyong pinaglilingkuran ng entourage na naisahan tuloy. Ewan kung nangangalap ng matibay na ebidensiya ang pamunuan para papanagutin ang entourage that seemed remiss in their job, to think that it was an all-expense paid trip.

(By Ronnie Carrasco III)

Previous articleRaket sa loob ng selda
Next articleMay edad nang aktor at dating aktor, nagkagulatan sa condo building ng mayamang bading!

No posts to display