Dahil sa pagpatay sa UST graduate Kampanya Laban sa Ilegal na Droga, Lalong Hihigpitan

HIGIT NA paiigtingin ng pulisya at lokal na pamahalaan ng Bacoor, Cavite ang pagpapatibay ng seguridad sa kanilang lungsod kasunod na rin ng pagpatay sa isang UST graduate noong nakaraang linggo.

Pahayag ni Police Supt Romano Cardiño, hepe ng Bacoor Police, bubuhayin ang Barangay Anti-Drug Abuse Council sa buong Bacoor kung saan magkakaroon din ng random testing sa mga tricycle drayber.

Nais ng pulisya na ang opisyal ng barangay na mismo ang mamamahala sa kanilang nasasakupan laban sa ilegal na droga.

“Kakausapin namin o palalakasin ang Barangay Anti-Drug Abuse Council namin dito. So isasama namin ‘yung mga barangay captain para sa level nila ay ma-address na po ‘yung problema kung meron man at sa pamilya pa lang, ma-orient natin kung ano talaga ang maidudulot ng droga,” sambit ni Cardiño.

Nakikipagtulungan na rin, aniya, ang Bacoor PNP sa Philippine Drug Abuse Enforcement Agency (PDEA) at ang lokal na pamahalaan para sa intelligence at pagsugpo sa mga small time drug pusher sa Bacoor.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.