Dahil sa Pagpatay sa Estudyante, 1 Pang Pulis, Kinasuhan

MALIBAN SA apat na mga pulis ng Lagao-PNP, kinasuhan din ang ikalimang pulis na sakay rin sa police patrol car sa isinagawang hot pursuit operation nang may nangyaring carnapping incident sa General Santos City.

Sa naturang operasyon, nabaril at napatay si Randy Quirante, Criminology student ng Ramon Magsaysay College na napagkamalang carnapper.

Sinabi ni PNP-12 director C/Supt. Charles Calima, Jr. na pinasasampahan din nito ng kasong administratibo ang ikalimang pulis na si PO1 Alberto Alberto.

Ayon kay Police Chief Supt. Calima, basesa isinagawang pagsisiyasat, kasama si PO1 Alberto ng apat na mga pulis na una nang kinasuhan ng Murder na sina PO2 Arnold Sua na nagpositibo sa drug test, PO1 Arnel Beldera, PO2 John Rey Daligdig at PO1 Rudyard Dequito.

Ang nasabing pahayag na ito ni Gen. Calima ay salungat sa ipinalabas na official report na isinumite sa kanya ng Lagao-PNP na umano’y apat na pulis lamang ang nagsagawa ng pagpapatrolya.

Sinasabing sa panahong iyon, off-duty umano ni PO1 Alberto ngunit sumama ito sa patrol nang rumesponde sa report ng nagngangalang Karen Nentisa na inagaw at kinarnap ang kanyang motorsiklo.

Samantala, idinagdag pa ni Calima na pinasisiyasat din nito ang hepe ng Lagao-PNP na si S/Insp. Jordan Santiago at nagpapatuloy rin ang kasong criminal ng apat na mga pulis.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.