Dahil sa pagkaka-link ng aktres kay Richard Gutierrez, Gov. Chavit Singson, may hinanakit kay Lovi Poe?!

EWAN KO LANG kung totoo ang nariri-nig kong may tampo raw ngayon sina Gov. Chavit Singson kay Lovi Poe dahil sa pagkaka-link daw ng huli kay Richard Gutierrez?

Teka! Tuloy pa rin ba ang relasyon nina Ronald Singson at Lovi? Kasi ang deklarasyon nila break na raw sila at binigyan na raw ni Ronald si Lovi ng kalayaan dahil nakakulong naman ito.

Medyo malabo kasi ang mga sagot ni Lovi kapag tungkol kay Ronald ang pinag-uusapan. Hindi malinaw kung tuloy pa rin ang relasyon nila o magkaibigan lang talaga.

Nu’ng nakausap kasi ng Startalk si Gov. Chavit sinabi nitong dumalaw daw minsan si Lovi kay Ronald sa kulungan.

Medyo hirap nga raw sila dahil dalawang beses lang sa loob ng isang buwan nila puwedeng dalawin ang dating kongresista kaya ibinibigay na lang ito sa mga malalapit na pamilya at madalas nga si Gov. Chavit.

Kaya ewan ko kung kailan nakadalaw roon si Lovi.

Nang tinanong naman si Lovi sa presscon ng My Neighbor’s Wife, itinatanggi nitong dumalaw siya.

Mas focus daw siya ngayon sa trabaho, at sa higpit ng schedule niya, wala raw siyang panahong makadalaw.

Sabi pa ni Gov. Chavit, hindi na sila nagkukuwento kay Ronald tungkol kay Lovi dahil malulungkot lang daw ito.

Pagdating naman sa isyung pagkaka-link ni Lovi kay Richard, itinatanggi ito ng aktres dahil talagang magkaibigan lang daw silang dalawa.

Nagpapasalamat daw siya kay Richard dahil nandiyan daw ito nu’ng panahong kai-langan niya ng karamay. Pero bilang magkaibigan lang daw at walang espesyal na relasyon.

Sa January 14, 2012 na raw nakatakdang makalabas ng kulungan si Ronald na nakapiit pa rin sa Hong Kong.

Hindi pa masasagot ni Lovi kung sasalubong ba siya sa paglaya ng dating kasintahan.

 

NANG DUMALO SI Alfred Vargas sa binyag ng pangalawang anak ni Paolo Contis, nalungkot daw ito dahil naalala niya ang kanyang mag-ina na nasa Italy na ngayon.

Doon manganganak si Yasmine sa kanilang pangalawang baby na due na sa October. Magda-dalawang linggo pa lang kasing napahiwalay sa kanya, kaya sobrang nami-miss niya ito. Madalas naman ang tawagan nila at updated siya sa kalagayan ngayon ni Yasmine at ng magiging baby nila.

Very healthy naman daw sila at mabuti’t nandu’n ang pamilya ni Yasmine na nag-aalaga sa kanya. Pero sa October daw bago manganak ang kanyang asawa, babalik na roon si Alfred para personal niya itong mabantayan sa panganganak.

Baby girl pa rin pala ang magiging pangalawang baby nina Alfred at Yasmine at pinag-iisipan daw nilang pa-ngalanan itong Cassandra.

Nag-iisip pa raw sila ng pangalawang pangalan na dapat ay nagsisimula raw sa letter A.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Dahil sa pagkaka-link ng aktres kay Richard Gutierrez, Gov. Chavit Singson, may hinanakit kay Lovi Poe?!

  1. ILANG TAON NA LANG MATUTULAD NA SI LOVI KAY ARA MINA AT RUFFA MAE MGA LASPAG WALANG SUME SERYOSO AT PASAHAN LANG NG MGA LALAKE.KAKAHIYA ANG ANAK NI FPJ SABAGAY KABET ANG INA E DI PAKABET KABET DIN SIYA.KADIRI BAKA SI LOVI ANG MAGING ASAWA NI RICHARD BUTI NGA KARMA SA MGA GUTIEREZ IYAN NAKAPAG ASAWA NG TSIP

Leave a Reply

Your email address will not be published.