Dahil sa paghahamon sa mga pulis
Sundalo, Binugbog na, Kulong pa

PINAGTULUNGAN NG tatlong lalaki na bugbugin ang isang sundalo sa Bacnotan, La Union.

Nakilala ang nasabing biktima sa pangalang Ronald Orijudos, 26, binata, miyembro ng Philippine Marines at residente sa Barangay Cabaroan ng naturang bayan.

Base sa ulat, pinagtulungang saktan ng mga salarin ang biktima sa hindi pa malamang dahilan, sa boundary ng Barangay San Martin at Raois, Bacnotan.

Agad namang rumesponde ang Bacnotan Police Station ngunit hindi na nila nadatnan ang mga salarin.

Isinailalim si Orijudos sa kustodiya ng mga awtoridad ngunit dahil sa paghahamon nito sa mga kinauukulan doon, ikinulong ito ngunit pinalaya din matapos mahimasmasan.

Samantala, napag-alaman na dinala muna ng mga kinauukulan si Orijudos sa Bacnotan District Hospital para ipagamot ang mga tinamo nitong sugat sa katawan at dito napatunayan na positibo ito sa ininom na alak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.