Dahil sa Pagandahan: High School Student, Nilaslas ang Mukha ng Schoolmate

SOBRANG PAGKAINGGIT ang nagtulak sa isang 18 anyos na estudyante para laslasin nito ang maganda at maamong mukha ng kanyang schoolmate na tinaguriang “apple of the eye” ng kanilang campus kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Caroline Cayas, 18 anyos, 4th year student ng Caloocan City High School at kasalukuyang nanini-rahan sa Letre, Malabon City,

Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalang “Juliet”, 15 anyos, 3rd year high school ng parehong eskuwelahan at kasalukuyang naninirahan sa Barangay 12, Caloocan City.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police, dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng compound ng nasabi ng paaralan.

Nabatid na magkasabay na naglalakad ang dalawang mag-aaral kasabay ng iba pang estudyante papalabas ng kanilng eskuwelahan nang biglang kantiyawan ang mga ito ng kani-kanilang mga kaibigan ng “wala ka pala eh, sige nga hawakan mo nga sa tainga” at pagkatapos ay magtatawanan.

Biglang nabuyo ang suspek dahilan upang hilahin nito ang buhok ng biktima na hindi naman nagpatalo at gumanti rin ng sabunot at kahit na inaawat na ang dalawa ng kanilang mga kasama ay sige pa rin ang pagpipilit ng dalawa na maabot at masaktan ang isa’t isa hanggang dukutin ng suspek ang isang double blade na Dorco na ginagamit niyang pang-ahit ng kilay at walang habas na iniwasiwas sa mukha ng biktima kung saan ay tinamaan ito sa talukap ng mata at sa kanyang pisngi.

Nang makakita ng dugo ang kanilang mga kabarkada ay agad nilang ipinagbigay-alam sa ama ng biktima ang pangyayari dahilan upang agad na saklolohan nito ang kanyang anak at dalhin sa pinakamalapit na pagamutan para malapatan ng lunas.

Mabuti na lamang at hindi naapektuhan ang mata ng biktima ngunit sa kabila noon ay siguradong mag-iiwan ng peklat ang sugat na gawa ni Cayas dahilan upang hindi siya palusutin ng ama ng biktima na kahit pa humingi ng tawad ay sinampahan pa rin siya ng kasong Physical Injury in relation to RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Nabatid na nag-um-pisa umano ang bangayan ng nasabing dalawang estudyante noon pang isang taon kung saan ay laging pinagkukumpara ang itsura ng dalawang dalaga at nagkaroon pa umano ng pagkakataong sinugod ng suspek noon ang biktima at sinabing hindi umano siya papayag sa sinasabi ng ilang mga estudyante na mas maganda ang biktima kaysa sa kanya.

Samantala, nasa kustodiya ng Caloocan City detention cell ang suspek na hindi nagpaunlak ng panayam.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.