Dahil sa Pag-overtake ng Motorsiklo, 2 Kulong sa Baril

KALABOSO ANG dalawang  lalaki makaraang  mahulihan ng walang lisensiyang baril sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Camilo Lintao kay Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang unang nadakip na suspek na si Limuel Fajardo, 30 anyos, vendor, at residente ng Brgy. Tarcan, Baliuag.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2 ng madaling-araw nang arestuhin ang suspek, makaraang pagbabarilin ang apat katao kabilang ang dalawang menor de edad.

Nabatid na nag-ugat ang walang habas na pamamaril ng suspek, makaraang mag-overtake sa sinasakyan nitong scooter na may plakang RO-7100, ang mga motorsiklo ng mga biktima.

Nakumpiska mula sa suspek ang walang dokumentong calibre .45 at mga bala, samantalang masuwerteng hindi tinamaan ang mga kabataan.

Samantala, inaresto ni P/Supt. Hector Samar ang isang binata na senglot habang nakasukbit sa bewang nito ang isang cal. 38 revolver na baril.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Raymond Mediana Y Delos Santos, 36 anyos, ng # 38 Encarnacion Compd., Brgy. Tugatog sa lungsod ng Meycuayan.

Kapwa sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1866 RA 8294 ang dalawa at paglabag sa RA 7610, bukod pa ang indiscriminate firing.                              (TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.