Dahil sa Pag-ibig Estudyante, nanaksak ng kapwa estudyante sa loob ng campus

PATAY ANG isang estudyante habang sugatan ang kasama nito ng pagsasaksakin sila ng isang 16-anyos na kanilang schoolmate sa loob mismo ng Marcelo H. del Pilar National High School sa Brgy. Sta. Isabel, Malolos City, Bulacan.

Sa nakalap na ulat ng Pinoy Parazzi, kinilala ang napatay na biktima na si Ariel (hindi tunay na pangalan), 14 anyos, 3rd year high school at residente ng Brgy. Caniogan, habang sugatan naman ang kaibigan nitong si Botsok, 17, taga-Brgy. Tabang, Guiguinto, Bulacan.

Habang ang suspek naman ay itinago sa pangalang Obet, 16, 3rd year high school ng Brgy. Sto. Cristo, kusang sumuko sa mga awtoridad ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ng Malolos City.

Sa inisyal na imbestigasyon, ng mga awtoridad dakong alas-4 ng hapon bitbit umano ng biktima ang patalim ng  kumprontahin nito, kasama ang kanyang kaibigan, ang suspek sa mismong room nito sa ikalawang palapag ng gusali ng  Bldg. B ng nabanggit na eskuwelahan.

Nabatid na magpambuno ang dalawa, kung saan nagawa umano ng suspek na makuha ang dalang patalim ng biktima at walang habas na sinaksak ng ilang beses at tinamaan malapit sa puso na siyang ikinamatay nito habang sugatan naman ang kaibigan nito.

Agad namang binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Sacred Heart Hospital si Ariel, habang  dinala naman sa  Bulacan Provincial Hospital si Botsok.

Sinabi naman ng isang kaklase ng biktima na ayaw magpabanggit ng pangalan na love triangle umano ang dahilan ng away ng dalawa.

Ayon kay Loida Alcaraz, administrative officer ng eskuwelahan, pinaubaya na umano nila sa kapulisan at sa DSWD ang pag-iimbestiga sa nangyaring krimen dahil umano sa menor de edad ang mga sangkot dito.

Patuloy pa ang im-bestigasyon ng pulisya sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng paaralan upang matukoy ang tunay na motibo sa naturang krimen.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.