Dahil sa pag-ibig, estudyante nalasog sa granada

ILOCOS NORTE – HALOS magkalasug-lasog ang katawan ng isang binata habang sugatan ang dati nitong nobya at isa pang lalaki nang sumabog ang granada sa bayan ng Bangui sa probinsiyang ito.

Kinilala ang biktimang nasawi na si Billy Joel Vidad, 18 anyos, residente ng Sitio Poblacion sa nasabing bayan habang ang sugatan ay sina Maritess Dalija, umano’y dating nobya ni Vidad at Herbert Udon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagkaroon umano ng pagtatalo sina Vidad at Udon kasama si Dalija nang sumabog ang hawak na granada ng biktima dakong alas-6:00 ng gabi malapit sa kani-

lang tahanan sa nasabing lugar, kamakalawa.

Ayon sa ina ni Vidad, tahimik ang kanyang anak at wala itong problema maliban lamang sa umano’y panloloko ng nobya.

Giit pa ni Mrs. Vidad, labis na pinoproblema ni Billy ang hindi makontrol na nobya at sinasabing nagselos ito kay Udon.

Sa kasalukuyan ay ginagamot sina Udon at Dalija na pawang tinamaan ng parte ng gra-nada.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.