Dahil sa P2-M Utang sa Kooperatiba
Blackout sa Abra, Pinangangambahan

PINANGANGAMBAHANG MAWALAN ng kuryente ang buong lalawigan ng Abra kung hindi makababayad at makapag-renew sa kanilang kontrata ang Abra Electric Cooperative (ABRECO) sa supplier na Aboitiz Corporation .

Kahapon ang ibinigay na extension ng natu-rang korporasyon upang magbayad ang ABRECO sa kanilang utang na P2 milyon at magtatapos na rin ang kanilang kontrata.

May kabuuang P15.5 milyon ang utang ng ABRECO ngunit nakapagbigay ng paunang bayad na P13.5 milyon at may natitira pang P2 milyon.

Noong nakaraang buwan pinutol na naman ng Aboitiz ang supply ng kuryente na ibinibigay sa ABRECO dahil sa malaking utang.

Nagtatago na umano ang general manager ng ABRECO na si Loreto Siarez .

Samantala, gumagawa na rin ng hakbang ang mga lokal na opisyal ng Abra upang humanap ng puwede ni-

lang pagkunan ng supply ng kuryente kung sakaling hindi makabayad at makapag-renew ang ABRECO sa Aboitiz.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.