Dahil sa P180; Bata, kritikal sa bala

MALUBHANG NASUGATAN ANG isang 10-anyos na batang babae matapos tamaan ng bala sa katawan makaraang sunud-sunod na pagbabarilin ang kanilang bahay ng mismong kumpare ng kanyang ama makaraang magtalo ang dalawa sa halagang P180 sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Nasa kritikal pa ring kalagayan habang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang biktima na nakilalang si Mary Anne Cabugin, 10, residente ng Block 45, Dagat-dagatan Ave., ng nasabing lungsod.

Agad namang naaresto at kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Malabon City Police Station ang itinuturong suspek ng pamamaril na kinilalang si Alvin Antimano, 30, may asawa, vendor, at residente ng Hernandez St., Brgy. Catmon ng nabanggit ding lungsod.

Sa nakalap na impormasyon mula kay P/Sr. Supt. Reynaldo Orante, Hepe ng Malabon PNP, nabatid na dakong alas-12:15 kahapon ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa bahay ng biktima.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, isa umanong armadong lalaki ang bigla na lamang nagpaulan ng bala sa nabanggit na bahay kung saan nasapol ang bata na noo’y mahimbing na natutulog kasama ang kanyang mga magulang.

Matapos ang pamamaril ay nagmamadaling umalis ang suspek subalit ilang saksi ang nagturo sa kanya nang dumating ang mga pulis, samantalang ang biktima ay isinugod naman sa ospital.

Ang bagay na ito ay agad namang itinanggi ng suspek, na bagama’t nagtalo umano sila dahil sa halagang 180 na hindi pa nababayaran ng kanyang “ka live-in” na utang sa tatay ng biktima, hindi umano nangangahulugan na gagawin na niya ang nasabing krimen. (Roman Magpoc)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.