Dahil sa P160; Tiyuhin, Sinaksak ng Pamangkin

SUGATAN ANG isang lalaki matapos itong saksakin ng kanyang sariling pamangkin matapos umanong tangkain ng una na kunin ang P160 na pera ng huli kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Isinugod sa Pagamutan Lungosd ng Malabon sanhi ng tama ng saksak sa kanang kamay ang biktimang si Amante Gilbuena Ilustrisimo, 40, ng No. 379 Northbay Boulevard North ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman sa detention cell ng Navotas Police ang suspek na si Darcy Ilustrisimo, 18, ng nasabing ring lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-tiyuhin.

Nag-iinuman ang mga ito nang bigla na lamang pilit na kinukuha ng biktima ang pera ng suspek na halagang P160.

Sa halip na ibigay ng suspek ang pera nito ay agad na bumunot ng patalim at sinaksak ang tiyuhin.

Agad na isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima habang nadakip naman ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.