Dahil sa napalong aso… 2 vendor, binoga ng kapitbahay

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang dalawang vendor makaraang pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek habang ang mga una ay nag-iinuman matapos magalit ang huli sa isa sa mga biktima nang mapalo ang aso nito kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ginagamot ngayon sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng .45 na kalibre na baril sa katawan ang mga biktimang sina Daniel Bartolome, 31, binata; at Danilo Libre, 34, kapwa residente ng Sitio Gulayan, Brgy. Catmon, Malabon City.

Nakapiit naman sa detention cell ng Malabon City Police ang suspek na si Nilo Segismundo, 41, may-asawa, delivery boy, at kalugar ng mga biktima, habang nakatakas ang dalawa pa nitong kasamahan, dala ang ginamit na baril.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng mga biktima habang ang mga ito ay nag-iinuman.

Bago, ang insidente, nakagat si Libre ng aso ni Segismundo dahilan upang mapalo ito ng biktima na ikinagalit naman ng suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dahil dito, agad na kinuha ng suspek ang baril nito kasama ang dalawang suspek na hindi pa nakikilala at tinungo ang nag-iinumang sina Libre at Bartolome saka pinagbabaril na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang dinala sa nasabing pagamutan ang mga biktima habang hindi naman nagawa pang makatakas ni Segismundo matapos rumesponde ang mga barangay, subalit nakapuga ang dalawa nitong kasamahan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.