Dahil sa mga tsismis
Angelica Jones, iniwan ng nakabuntis!

INILABAS NI Joey de Leon sa Startalk ang sentimyento niya tungkol sa pagkabili ng Indonesia sa franchise ng Eat Bulaga.

Kasi sa GMA-7 lang at sa diyaryo lang inilabas ang tungkol sa Eat Bulaga Indonesia, pero hindi ito ibinalita sa ibang TV station.

Dahil sa GMA-7 lang napapanood, kaya dedma ang ibang istas-yon.

Ang sabi ni Joey, wala na rito ang kumpetitsyon. Dapat ikarangal ito ng buong bansa dahil first time lang na ang isang local TV show, binili ang franchise ng ibang bansa at talagang ginaya ito lahat.

Nu’ng pinanood nga namin sa Eat Bulaga ang kuwento ng pagbili ng isang malaking TV station sa Indonesia sa noontime variety show na ito, nakapaninindig-balahibo na parang mahirap paniwalaan na posible pala itong mangyari sa show natin dito.

Kaya hindi lang GMA-7 o ang TAPE, Inc. ang magmalaki nito kundi ang buong broadcasting, sa GMA-7 ka man o sa ibang istasyon.

Sabi pa ni Joey, si Jessica Sanchez nga na hindi pa natin tiyak kung ipinagmamalaki niya ang pagiging Pinay, nakikidugo tayo, ito pa kaya na kinalakihan na natin itong Eat Bulaga at ngayon ay ginagawa na sa ibang bansa gaya ng Indonesia.

Kaya may posibilidad pang bilhin din ito ng ibang bansa. Kung ginawa nga ito ng Indonesia, posibleng sa iba pang bansa.

Nakakatuwa at nakaka-proud itong achievement na ito ng Eat Bulaga dahil bahagi rin tayo niyan bilang Pinoy.

 

NAPANOOD N’YO ba ang interview namin kay Angelica Jones na pitong buwang buntis na pala!

Naku! Muntik-muntikan na siyang ‘di natuloy ang guesting sa amin dahil natrapik ito papunta ng GMA-7.

Kaya sandali lang namin ito nakausap dahil marami sana siyang sasagutin tungkol sa pagbubuntis niya na hindi pa naman nagpakasal.

Pero sa maliit na oras na ibinigay sa kanya, naikuwento lahat ni Angelica ang nangyari, at kahit minadali na namin siya at kaagad na tinapos, naikuwento pa niyang wala na pala sila ng boyfriend niya na nakabuntis sa kanya.

Isang doktor sa Asian Hospital ang nakabuntis kay Angelica at konsehal pala ito sa Batangas.

Pitong buwang buntis na ito at isang baby boy ang ipinagbubuntis nito. Pero sa kasamaang-palad, apat na buwan na raw silang walang komunikasyon ng boyfriend niya.

Ayon kay Angelika, nadala raw itong boyfriend niya sa mga tsismis kaya naapektuhan ang kanilang relasyon.

Nakatakda na raw sana si-lang magpakasal sa January 8, 2013 pero mukhang hindi na ito matutuloy dahil hindi na nga nakikipagkita sa kanya itong lalaking nakabuntis sa kanya.

Sabi pa niya, ready na raw sana ang wedding gown nito at ang ilang detalye ng kanilang pagpapakasal, pero hindi pa raw niya alam kung magagamit niya ito.

Pero umaasa  pa rin daw siya na babalik itong boyfriend niya para matuloy na ang kasal nila.

Pero kung hindi raw, mag-isa raw niya itong haharapin at naniniwala naman daw siyang tatanggapin siya ng kanyang mga constituent sa Laguna kahit isa na siyang dalagang ina.

Hindi naman daw siya nagkukulang sa pagsisilbi sa kanyang lalawigan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Dahil sa mga tsismis
Angelica Jones, iniwan ng nakabuntis!

  1. hahaha, kahit dito LoLit waLa mxado ngcommnt ’bout jan sa e.b, nataLo p cLa ni angeLica j.. waLa rin mxado ngbLita sa mga ksamahan mo dto sa parazzi.. kaw nga rin d yan hdLyn m0 eh..

  2. why are we wasting time on this woman. and please, dont call her an actress, coz she’s not. She is fake, a liar, and and a devil in disguise. That angel face is a mask of a demon. She is a perfect example of a social climber. Sometimes, i dont understand why people trust her, and gave her a public official title all she cares about is money that her and her ambitiously and super social climbing money hungry mother. Although I pity Demonica coz her mom is a such an evil woman. Like mother …like daughter

  3. pakawala naman yang si angelica jones eh…asa rembrandt pa ko, wala pang 18 years old yan eh kabit na yan ng mayor..dun sila naglalampungan eh…sinagot pa nga ng mayor debut nya dun eh…at totoo namang alam ng nanay nya ang mag nangyayari…how sad…bait naman si angelica eh..yung nanay ang demonya.

  4. yahooo ang malanding trying hard na si angelica maarteng puta jones ay buntis !!! isama mo pa ang panget na ina mo!!! mga malalanding tuko!!!

  5. Another immoral pinay, nagpakantot na hindi pa kasal. Nakakahiya itong si Angelica, public official pa naman, hindi magandang example sa mga bagets baka left and right na ang buntisan sa pinas, additional problem na naman yon sa goberno natin para palamunin ang mga anak sa mga iresponsabling ina.

  6. sabi nio kayo ang number 1 at pinapanood ng mas nakakararamii d2 sa pinas at abroad. bakit klangan nio pa maghimutok sa galit na hinde naibalita sa abs-cbn yan..at fyi.. maraming teleseryes na rin ng gma at abs ang nabili at na franchise sa ibat ibang bansa kaya hinde lang gma ang na  franchise sa abroad..

  7. hahahaa oh dba sabi nio number 1 ang gma sa buong pilipinas at sa buong mundo kung san may pilipino.. bakit ngayun magmamaktol kayo at d maibalita sa ibang istasyon yan lalo na sa abs-cbn at sa tfc.. hahahah

Leave a Reply

Your email address will not be published.