Dahil sa masamang titig Kelot kritikal sa maton

KRITIKAL ANG ISANG nakabisikleta matapos pagbabarilin ng siga sa kanilang lugar nang matitigan ng una ang huli habang nakikipag-inuman sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Elmer Marquilas, 42 ng De Asis St., San Roque ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Rodolfo Cruz, alyas “Maton” ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-11:30 ng gabi, nakabisikleta ang biktima at nang madaan sa De Asis St. ay napatitig sa suspek na nakikipag-inuman.

Nagalit ang suspek at agad na nagbunot ng baril bago hinabol ng putok ang biktima na bumagsak sa kalsada matapos mahagip ng mga bala.

Agad na dinala ang biktima sa JRMMC habang tumakas naman ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.