Dahil sa malawakang brownout
Seguridad sa mga Power Plant, Tututukan ng PNP

INIUTOS NA ni Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima na siguruhing bantay-sarado ang mga planta ng kuryente kasunod ng malawakang brownout sa Luzon kamakalawa, Mayo 8.

Ayon kay PNP Spokesperson Generoso Cerbo na wala namang kaugnayan sa election sabotage ang ilang oras na malawakang brownout, apat na araw bago ang eleksyon.

May nakalatag na rin aniyang seguridad sa mga vital installation, pero ngayon ay pinatitiyak ni Purisima na walang makalulusot na masamang loob sa mga power plant para matiyak na hindi maaantala ang halalan dahil sa kuryente.

Sinabi naman ni Cerbo na susunod sila sa kautusan ng Supreme Court (SC) na sinang-ayunan na rin ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng dalawang araw lamang na liquor ban sa Linggo, Mayo 12 hanggang Lunes, Mayo 13.

Sa isyu naman ng money ban, patuloy na nakikipag-ugnayan ang PNP sa Comelec para makabuo ng istriktong panuntunan sa pagpapatupad nito.

Samantala, bukod naman sa pagtutok sa eleksyon, si-nabi ni Cerbo na nagpapatuloy ang anti-criminality campaign ng pulisya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.