Dahil sa malaking tattoo sa tagiliran
Glaiza de Castro, ‘di makasali sa beauty pageant kahit gustuhin

SA MGA nagsasabing pa-sunset na ang fame and popularity ni German Moreno, they should have been there sa birthday taping ng Master Showman sa Walang Tulugan.

Grabe pa rin ang tao! Hitsura pa rin ng palengke ang studio sa GMA. Kung sinu-sino na lang ang nagsisibati sa atin at bumebeso, shades of That’s Entertainment days noon na walang puknat ang halikan ng sangkaterbang bagets sa mga reporters (feeling ko nga, eh, daming gustong mag-reporter nu’n para mahalikan ng mga bagets!)

While waiting for his cue, we talked to Kuya Germs. Naitanong namin sa kanya kung ano pa ba ang mahihiling ng isang tulad niya. “Isa na lang siguro… ‘yung tungkol sa pagiging official tag ng Quezon City bilang ‘City of the Stars’. Ewan ko ba, ang tagal-tagal na nitong panukalang ito na pinu-push ko, pero…” bitin na sagot ng birthday boy. Sa huling pagkakaalam niya ay aprub na halos lahat ng mga konsehal.

Baka konting push na lang from Mayor Bistek siguro ang kai-langan, tanong naming sa kanya.

Iling, sabay sabing, “Ewan din.”

Alam din ng pillar ng showbiz na marami ang nag-uudyok sa kanyang tumakbo sa May 2013 elections dahil sa isyung ito.  “Naku, ayoko namang tumakbo simply because hindi matupad-tupad ang pangarap kong ito na tawag for Q.C., ‘noh! Mababaw ‘ata yon,” aniya.

True. Maybe all it needs is a real push from the office of the mayor itself, ‘di ba, Kuya Germs?

For art’s sake, o… for Pete’s sake?!

 

MGA FIVE years back pa pala ay may mga kumokontak na talent scouts kay Glaiza de Castro at hinihikayat itong sumali sa Binibi-ning Pilipinas beauty pageant.

Pero tine-turn dopwn ito agad ng maganda’t matangkad na aktres. Hindi pa raw time… bata pa siya… ang madalas na marinig na rason. Well now it can be told why.

May malaking tattoo nga kasi si Glai sa kanyang tagiliran. No, ‘di naman ito superfreakish. Isang verse sa Colossians ang naitinta sa bida-kontrabidang aktres sa darating na Pinoy version ng hit Koreanovelang Temptation Of Wife.

Ayon sa makakasamang ito nina Marian Rivera at Dennis Trillo sa naturang teleserye na ilu-launch nang mas maaga ng Kapuso Network (almost month ahead, from last week of November to last week of October), bunga ito ng kanyang wild days as an easily influenced youth.

Sayang, potential beauty queen pa naman itong si Glaiza. Kung maliit lang yung tattoo ay puwedeng gawan ng paraan, Pero… ang lalaki ‘noh!

After Ruffa Gutierrez’ win nung 1994, isa na namang artista ang magkaka-title sana, after almost 20 years! And we’re not talking about Megan Young, huh!

 

SA MAIKLING kuwentuhan namin ni Jake Vargas, alarmed siya sa lumulubhang awayan ng screen partner niyang si Bea Binene at ang lawyer nitong si Ferdinand Topacio.

Iwas-pusoy raw siya kasi mainit ‘yung isyu. But when we asked kung agree siya sa pagpa-file ng child abuse case laban sa “ka-close” or “transient guest” nilang radio personality and Kapuso talent too na si Dan Christian Villanueva, umiling si Jake…

E ‘yung closeness ni DJ Papa Dan of Barangay LS 97.1, GMA’s FM radio station kay Bea, agree ba siya roon? Isang malalim na kunot-noo ang ibinigay ni Jake! Umismid… sabay layas!

 

Titipa-Tipa
By Montirasol Moran

loading...

7 thoughts on “Dahil sa malaking tattoo sa tagiliran
Glaiza de Castro, ‘di makasali sa beauty pageant kahit gustuhin

Leave a Reply

Your email address will not be published.