Dahil sa love triangle; bading, inutas ng lover

PINANINIWALAAN NA love triangle ang motibo sa pagpaslang sa isang 26-anyos na baklang accountant na pinagsasaksak ng gun­ting ng kanyang lover sa loob ng pinapasukang agri-machineries company sa Brgy. Quirino, Solano, Nueva Viscaya.

Kinilala ni Regional Police Spokesman Supt. Fernan­do Cristobal ang nasabing biktima na si Gerwin Velasco, isang stay-in branch accountant- cashier ng ADA Agri Machineries and Equipment Inc. na tubong Cauayan City, Isabela.

Base sa kuwento ng sekyu na si Alexander Banawa na nakahimpil sa kata­bing gusali ng pinapasukan ng biktima, nagkaroon ng inuman ang biktima at lover nito na si Jamil Vizconde ng kalapit-bayan ng Bagabag at isang hindi nakilalang lalaki.

Bagama’t malakas ang pagpapatugtog sa loob ng lugar kung saan nag-iinuman ang biktima at ang suspek, sinabi ni Banawa na wala siyang narinig na anumang sigawan o gulo sa kata­bing puwesto hanggang mapansin niyang magkasunod at mabilis lumabas palayo sina Vizconde at kasama nito.

Agad namang sinilip ng sekyu ang loob ng puwesto at laking gulat niya nang tumambad ang bangkay ng bakla na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.

Sinabi ng pulisya na hindi pagnanakaw ang motibo ng pagpaslang sapagkat hindi naman nawala ang pera sa pitaka ng biktima at koleksi­yon nito sa opisina.

Samantala, natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang mga bote ng alak at ang gunting na ginamit sa krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.