Dahil sa lalaki, Madam Auring binastos ng beteranang award-winning actress?!

OLA CHIKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong award-winning actress na pahuhulaan ko sa inyo? Hindi lang ako ang naloka at saksi sa kung ano ang pinaggagawa ni Madam Auring sa isang isang kilalang beteranang award-winning actress, kundi pati ang ilang artistang kasama sa pelikulang Baklas, na kasalukuyang sinu-shooting.

Hindi masikmura ng magaling na actress na ganu’n pala kabalahura si Madam Auring. Pero sa hinaba-haba ng pasensiya nito, napuno na rin ito. Naawat na nga lang itong award-winning actress na kasama sa set.
Habang nakaupo ako at nagko-concentrate, dahil magte-take na si Direk Neil Tan, kinausap ng young actor na si Raymond Cabral itong si award-winning actress, at nagkakatuwaan pa sila. Hindi lang inasahan ni award-winning actress na pariringgan siya ni Madam Auring, at sinabihan pa itong ibabato sa kanya ang plato na may lamang pagkain. Kaya naimbiyerna itong si award-winning actress.

Kay Madam Auring nga nagsimula ang gulo. Nang dahil sa lalaki, ganu’n na lang kung magwala itong si Madam. Naku, ha? Nakakaloka!

Hindi maawat ni Raymond Cabral ang dalawa, dahil bukod sa mga bibig na nagsisigawan, halos magbatuhan na ng mga make-up na nasa tabi. Nakakaloka, ha? Kaya naman ang ilang press at iba pang nakasaksi sa pangyayari, nagulat lahat! Kaloka!

Naku, ang nasabi na lang ni award-winning actress ay magsasampa siya ng kaso laban kay Madam Auring. Kalerke nga naman! Naku, ang clue kay award-winning actress: beterana na ito, nagpuprodyus ng pelikula at na-link na rin sa kanyang pangalan ang isang guwapo at hunk papa actor. ‘Yun na!

SAYANG AT HINDI ko naabutan at ng ilang press, pati na ng photographer ng Pinoy Parazzi ang nangyari noong Sabado ng madaling-araw sa Makati, kung saan naaksidente ang guwapong si Gerald Madrid.

Sabado ng alas-4 ng madaling araw, binabaybay ni Gerald ang Makati kung saan nabangga ang minamaneho niyang sasakyan. Nakabanggaan niya ang isang taxi, at warak na warak ang sasakyan ng aktor na agad na dinala sa opistal para mabigyan agad ng paunang lunas.

Medyo sumasakit ang ulo at batok  ni Gerald. Buti na lang, agad na bumukas ang airbag ng sasakyan nito. Pero sa kasamaang-palad, tinakasan pa siya ng taxi driver. Kaloka!

Naku, ha? Abangan n’yo, at marami pa akong pasasabuging chika. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Dahil sa lalaki, Madam Auring binastos ng beteranang award-winning actress?!

  1. nagproprodyus na ba si alma moreno (alma-gerald)?
    di kaya si jean garcia (jean-polo)? nagproprodyus na ba sya?
    si tia pusit, odette khan, daria ramirez, madame rosa?

    nku mukha naman walang katotohanan yan. kahit papaano, nasa katinuan ang pag-iisip ng mga taong nabanggit.

    intindihin na lang ni auring ang mga apo nya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.