Dahil sa lalaki: Keanna Reeves, pinababayaan ang anak? – Morly Alinio

Ipinagpalit ni Keanna Reeves ang pamilya para sa lovelife?

Ayon sa aming source, bukod sa hindi na nag-aaral ang pangay nitong anak ay hindi na rin daw nakapagbibigay ng sustento ang dating sexy acress sa bunsong anak na ngayon ay nasa pangangalaga ng ilang kamag-anak. Sinabi pa rin ng ating source, almost two years na ngayong hindi dumadalaw si Keanna sa kanyang pamilya dahil mas abala ito sa kanyang kinakasamang bagets.

“Totoong hindi na nag-aaral ‘yung panganay ko dahil may asawa na naman siya at kung huminto man siya ng pag-aaral, dahil iyon ang gusto niya. Unfair naman para sabihin sa akin na napabayaan ko na ang aking pamilya,” say ni Keanna.

Ayon kay Keanna totoong may bago siyang pag-ibig sa ngayon pero hindi raw ibig sabihin ay pabaya siyang ina at tinalikuran na niya ang kanyang mga anak sa Cebu.

Willie Revillame, confirmed na babalik sa Sept. 21

Kumpirmadong sa Lunes na muling mapapanood sa  Wowowee si Wilie Revilame matapos ang higit isang buwan  na “bakasyon” kaugnay sa ginawa nitong “pambabastos” diumano sa video insert ng dating pangulong Cory Aqino.

Si Consoliza Laguardia, Chairman ng MTRCB ang nagsabi mismo sa amin na sa September 21 ay tapos ng “bakasyon” ni Willie sa show. Base sa nakalap naming balita ay ito rin ‘yung araw na nangako ang TV host na muli siyang mapapanood sa programang iniwan pansamantala kina Pokwang, Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion.

Samantala, nakatakda ngayong araw na ito ang pagdating ni Willie mula sa pagtatanghal sa America at inaasahang dideretso siya sa ABS-CBN upang makipag-usap sa staff ng programa para sa reformat ng nasabing show.

Tulad ng naging pahayag ni MTRCB chairman Laguardia, dapat ay mas maging maingat ngayon ang Wowowee sa kanilang ipalalabas dahil walang sinasanto ang MTRCB sa sinumang host at programang lalabag sa kanilang alituntunin.

Matapos ang matagumpay na showing ng In My Life ay mariing sinabi ni Luis Manzano na habang pinapanood nila ni John Loyd Cruz ang kanilang pelikula sa Trinoma kamakailan ay hindi maiwasang sila ay magkailangan.

“Hindi namin alam ni Loydie kung matutuwa ba kami  sa reaction ng mga tao sa amin kasi makikita mong parang kinikilig sa amin ‘yung fans na nakapanood. Para bang meron kaming relasyon na hindi mo maintindihan. Kapag nagpapalakpakan ang mga tao at nagkakatinginan kami ni Loydie, napapailing na lang kami,” tsika ni Luis.

Nananatiling tikom ang bibig ni Luis sa usaping Angel Locsin dahil ang usap-usapan ay naghiwalay sila ng dati niyang girlfriend dahil kay Sam Milby na sinasabing bagong manliligaw ng dalaga.

“No comment muna tayo pagdating sa bagay na iyan. Malalaman din n’yo  yan sooner. As of now, wala kayong maririnig.”

Kasal nina Korina Sanchez at Mar Roxas, sa Oct. 23 na

Kumpirmadong sa October 23 na ang kasalang Korina Sanches at Mar Roxas at sa tatlong simbahan na kanilang pinagpiliian ay sa Sto. Domingo Church sila magpapakasal.

Sina Sarah Geronimo at Erik Santos ang inaasahang kakanta sa simbahan habang ang kabuoan ng entourage ay hindi pa ina-announce ng dalawa.

Sa kabuoan ay isang engrandeng kasalan ang magaganap kina Korina at Senator Mar na hindi umano ipagdadamot sa bayan. Nais daw ng couple na masaksihan ng marami nating kababayan ang kanilang pag-iisang dibdib.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

5 thoughts on “Dahil sa lalaki: Keanna Reeves, pinababayaan ang anak? – Morly Alinio

  1. Morly, naurong ung kasal nila Mar at Korina sa Oct.27 na binalita sa SNN kagabi.

    Special Non-Working Holiday sa Sept.21(Lunes) ayon sa Malacanang. Dahil babalik na si Willie Revillame sa Wowowee. Totoo kaya itong balitang ito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.