Dahil sa Kimerald movie: Relasyong Bea-Gerald, tahimik muna?!

MALABO PA TALAGA na matuldukan ang hidwaan ng magkapatid na sina Claudine Barretto at Gretchen Barretto. Kung pagkukumparahin kasi ang kanilang mga kilos at pananalita kapag itinanong mo sa kanila ang pangalan ng bawat isa, mayroon pa rin silang sariling istilo ng mga pag-iwas. Mas lamang na ang wife ni Raymart Santiago, iritado sa kanyang pagpapahalata na ayaw niyang itinatanong sa kanyang nakatatandang kapatid. Ang karelasyon naman ni Mr. Tony Boy Cojuangco ay cool lang at mabilis makiusap sa press, na ibalato na lang sa kanya, na huwag na lang pag-usapan ang nakababata niyang kapatid.

Mas lalala pa ang pag-iiwasan ngayon nina Claudine at Gretchen, dahil hindi man sinasadya ay baka mainsulto si Claudine sa itinatakbo ng mga pangyayari. Nabulilyaso na nga ang unang pagbibida nila sa teleseryeng Magkaribal, kung saan dahil hindi na siya Kapamilya star, kaya ang role na dapat para sa kanya ay napunta kay Bea Alonzo, na sobrang napupuri ngayon. Kasunod nito, baka muli na namang masaktan ang wife ni Raymart, dahil ang kaalitan niyang si Angelica Panganiban ang bagong makakasama ng kanyang ate Greta sa pasisimulan nitong teleserye sa 2011.

Pero kahit nakapaloob ngayon si Claudine sa maraming intriga, mahirap din naman siyang husgahan. Marami rin naman siyang napakisamahang mga tao, na makapagpapatunay kung gaano siya kabait bilang anak. Sa ngayon, kahit pa nga sa tampuhan nila ni Gretchen ay balitang malapit kay Greta ang kapatid nitong si Marjorie Barretto, deadma lang ang wife ni Raymart. Pero ang maigting na paninindigan ni Claudine ay hindi pa rin mapapalapit ang kanyang kalooban sa karelasyon ni Mr. Cojuangco hangga’t hindi maayos ang relasyon ni Gretchen sa kanilang ina na si Mommy Inday Barretto.

MISTERYOSA TALAGA ANG dating ni Bea Alonzo kapag nagmamahal siya. Siya ‘yung tipong sa mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon, hindi siya madaldal na ipangalandakan kung sino ba ang kanyang inspirasyon. Hangga’t magagawa niya noon na makaiwas sa mga pagpapaamin sa kanya kung sino ang kanyang boyfriend, lumulusot siya para walang mapag-usapan. Umaamin lang siya kapag nasukol na siya, at una nang ang lalakI ang nagpahayag ng kanyang intensiyon sa magandang aktres.

Walang pakialam si Bea kung sikat man siya habang ang lalaking kanyang mahal ay hindi ganu’n kapopular sa showbiz.  Hindi siya tumitingin sa malaking pangalan. Kaya nga marami ang nagulat noon kung bakit sa dami ng mga lalaking nanliligaw sa kanya, si Mico Palanca pala ang inililihim niyang boyfriend? Ngayon, malihim na naman si Bea. Mahahalata sa kanyang mga ngiti at paggu-glow ng mga mata, na mayroon na namang isang lalaking nagpapasaya sa kanya. Kaya sa pag-uugnay sa kanilang dalawa ngayon ni Gerald Anderson, ang guwapong aktor muna dapat ang maunang magsalita kung ano talaga ang real score sa pagitan nilang dalawa.

Mahirap sa ngayon para kay Gerald ang magsalita, dahil hayan at may bago silang pelikula ni Kim Chiu, ang Till My Heartaches End ng Star Cinema, kaya kailangang mag-sweet-sweetan muna ulit sila para sa kanilang mga fans, kahit maugong ang tsika na break na nga sila. Habang si Bea naman ay si Robin Padilla ang bagong leading man sa susunod niyang teleserye. Baka maligaw muna ang publiko sa kung sino ang tunay na nagmamahalan at may relasyon. Hintayin muna nating matapos ang promo ng kanilang mga bagong proyekto, at baka roon na umanin ang kung sinu-sino kung kaya ba nilang umamin sa katotohanan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

29 thoughts on “Dahil sa Kimerald movie: Relasyong Bea-Gerald, tahimik muna?!

  1. Nagdadayaan nalang sa sarili sila Kim AT gerald….hayssss!!! Palayahin nyo na ang isa’t isa Kundi na kayo talga masaya…Mas Better kung mag Entertain ng iba kesa manatili kang Sad sa Taong di mo na gusto!

  2. May lumalabas na fake twitter at facebook account nina Bea at Anne na naninira nang kapwa artista. Sino kaya ito? Baka inililihis lang ang attention kay Mariel. Palagay ninyo?

  3. Sana ihanap si Robin nang mas mature na ka tandem. Kawawa naman si Bea kung ma-jinx. Si Mariel, minalas nang ma-tandem kay Robin. Bea deserves a better leading man.
    Si Robin, bagay kay Vina o kaya si Gretchen B. Puwede sila ni Bea kung lalabas si Robin na tatay ni Bea sa teleserye.

  4. bakit ayaw nyo bea and robin ok nga yun mag ki click yung 2…takot ba baka ligawan ni robin si at ma fall nga si bea sa kamandag ni robin eh de nga naman babay na kay gerald tsk tsk tsk

  5. ABS-CBN, PLEASE SPARE BEA’S CAREER. DON’T DESTROY IT BY PARING HER WITH THIS OLD MAN ROBIN. FIND ROBIN AN ACTRESS THAT SUITS HIS AGE. IF YOU HAVE TO HONOR A CONTRACT SINCE YOU PROMISED ROBIN A TELESERYE BEFORE HE JOINED THE NETWORK, THEN MAYBE FIND HIM A ROLE SUITED FOR HIS AGE. GET VINA AS HIS TANDEM CO-STAR OR MAYBE FIND HIM A ROLE AS A FATHER FIGURE. THIS TELESERYE BETTER BE A FATHER FIGURE TO BEA. MASISIRA LANG SI BEA. GUSTO NI ROBIN KA TANDEM MGA BAGETS ALA KIM AND GERALD PERO ANG TANDA NA NIYA.. SI MARIEL, PUMATOL. MARAMI ANG NANDIRI.

    • Kulitkulit, I agree. Robin is too old for Bea. Bea deserves a younger actor. She was OK with Aga Muhlach ’cause Aga has the sex appeal of the masses. Aga is not a “trying hard” actor. He has this “magnet” that every woman o f any age likes. With Robin, nakakasuka at nakakadiri. Ang labas niya, gaya nang sabi nang ibang posters, nagmumurang kamatis. He has to act like a casanova to get women’s attention, BUT, THERE IS A FINE LINE BETWEEN SEXY AND GROSS. NAKAKADIRI. PARA AKONG NILILIGAWAN NANG KAPITBAHAY NAMING LOLO NA UMAARTENG BATA PERO KULUBOT NA ANG BALAT. SI ROBIN, LAGI PANG BUKAS ANG POLO SHIRT. IPINAPAKITA ANG DIBDIB NA PURO TADYANG. BULALO, PURO BUTO. . . .

  6. SAKA, BALITA KASI, SI ROBIN, MAY KONTRATA PARA SA ISANG TELESERYE SA ABS-CBN. PANGARAP NIYANG SI MARIEL ANG MAKA TANDEM SA TELESERYE, EH KASO, MARAMI NANG GALIT KAY MARIEL. SI BEA NA LANG ANG IPINALIT. SAYANG NGA NAMAN ANG GAGASTUSIN NANG ABS KUNG FLOP NAMAN ANG ROBIN-MARIEL TELESERYE.

  7. KAWAWA NAMAN SI BEA. ABS-CBN, GUSTO LANG NILANG PAGTAKPAN ANG MALAKING PAGKAKAMALI SA PAGKUHA KAY ROBIN. SI BEA ANG GAGAWIN NILANG TAGAPAGLIGTAS, TO SAVE FACE. KASI, MASKI WALA NANG MAY GUSTO KAY ROBIN, MARAMI PA RIN ANG MAY GUSTO KAY BEA. KUNG PUMATOK ANG TELESERYE, AY DAHIL KAY BEA, PERO, SABIT NA RIN SI ROBIN LAOS.

  8. bat ipapareha si bea ke tito robin niya? hehehe…. andami naman jan na kaedad ni bea para maging leading man niya. kahit itong bf niya na si gerald anderson pwede pa.

    dapat ke robin eh yung mga kaedad na niya gaya ni kris aquino at sharon cuneta mga ex niya.

  9. Juz enjoy the movie… Di naman kailangan maging sila para sumikat ang pelikula… Chemistry lng naman kailangan dyan… Sguro nga wala na masyadong kilig factor ang kimerald but we gotta admit it. They still look gud together.

  10. alam niu lahat napapansin niyo sa kimerald, magkasama lang o ngkukulitan sweet na pti sa mga pics binibgyan ng meaning. siguro inggit lang kayo pag nbbalitang sweet ang kimerald. baka naman pag sabay silang huminga scripted din yun??? o panu kung sabay silang humikab scrpted din?? o nagkatinginan lang scripted din. eh magkatrabaho naman sila tsaka malalim ang pinagsamahan…palibhasa atat na talaga kau maghiwalay sila…..haay ano kayang sinabi ni gerald, eh sympre special saknya si kim dhil matagal na pinagsamahan nila

  11. hayyzzz.. nakakatuwa nga sa twitter yung mga direktor nagpopost nang mga sweet pictures nanang kimerald eh obvious naman na para sa movie yun wahahahaha.. haaayyzzz.. i dont like kimerald anymore.. mas like ko na ang BEARALD hahaha..

    • alam muh,,,, hindi naman yun sweet!!!! pinapakita lang nila how they love kimerald kasi mga nakatrabaho nila yun… if you wouldnt appreciate it wag mo na lang pansinin… ikaw gaano mo ba sila kakilala eh sila araw2x na nila nkasama at kilala na nila….

  12. bagay si kim kay enchong or robi!sna cla na lang i team up!wag na kay gerald!masyadong showwwwwwbizzzzz!! c bea din sayang!

  13. wag ng ituloy ang movie project ng kimerald…wla ng kilig factor kc pinaniwala ni gerald ang mga fans nila na in love xa kay kim.dpat nging honest nlang…ipareha nlang sa iba c kim.d ba gwapo c gerald?e di humanap xa ng kapareha nya.cla nlang ni bea mgsama, let’s see kung kumita.

  14. Hayaan na Lang kasi sila…Kung taga hanga ka nil Kim at Gerald enjoy na Lang movie at tv appearances nila…buhay nila wag pakialamanan

  15. ano kaya yung sweet-sweetan na yun.. eh natural magkasama sila sa trabaho eh. hindi naman sila sweet sana may pic kung meron

    • TUMIGIL na nga yang si Robin…sasakay pa siya sa kasikatan ni Bea…baka makasira lang siya a image ni Bea..Si Toni nga nanahimik idinamay damay nya sa mga issues nya….pumayag siya na magka movie sila tapos bigla siyang aayaw ksi dapat may love angle daw..o nainsulto siya kasi inde pede halikan dahil ayaw ni Toni? huh Kay Marian na lang siya at laplapan pede dun…

  16. WAAAAAAA. HINTAYIN NYO PAG-KATAPOS NG KIMERALD MOVIE YONG MGA PROMO EK EK EK NILA NGAYON. YONG FAKE NA SWEET SWEET……………..HAYSSSSSS KIM HUWAG KANG PA-UTO NI ANDERSON NA USER. AYAN TO LATE NA ANG SORRY NI ANDERSON DAMAGE HAS BEEN DONE MAJOR MAJOR KASI.YONG MGA FANTARD SA DREAMLAND HOYYYYYYY GISING .. PRAY PRAY PA KAYO MMGA CRA ULO. BASTA KIM LANG ANG BEAUTY KO………………. SI PATA MUKHANG BAGONG PANGANAK AT ANG ANAK NILA GERALD BUAYANG MY PANGIL…WAAAAAAAAA PEACE PEACEEEE

Leave a Reply

Your email address will not be published.