Dahil sa kalaguyo
Anak, binugbog ng ama

“BLOOD IS thicker than water.”

Naging kabaliktaran ang nangyari sa isang mag-ama nang saktan ng ama ang kanyang anak makaraang ipagtanggol ng una ang kalaguyo na sinita ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Bukod sa kasong Physical Injuries, nahaharap din sa kasong Illegal Possession of Deadly Weapon at paglabag sa Omnibus Election Code si Zoilo Gaa, 37, ng Lerio St., Camarin D ng lungsod.

Sa ulat, dakong 10 ng gabi, nakatambay ang biktimang si Ledzel Gaa, 18, sa nasabing lugar nang makita ang ama kasama ang kalaguyong si alyas Tin-Tin.

Lumapit si Ledzel at kinumpronta si Tin-Tin hanggang sa magkasagutan na nauwi sa pagtatalo.

Nagalit ang suspek sa inasal ng anak na naging dahilan upang saktan ang biktima.

Natigil lang ang pananakit ng suspek sa anak nang magdatingan ang mga tanod at nakuhanan pa ng patalim ang una na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.