Dahil sa Kahirapan, Aburidong Ama, Nagbigti

KRITIKAL ANG kundisyon ng isang 33-anyos na magsasaka matapos na magtangkang magpatiwakal gamit ang lubid sa Brgy. Pook, Talipapa, Kalibo, Aklan.

Nakita umano ang biktima ng kanyang misis na nakabitin sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Dahil sa may buhay pa nang madatnan, agad na isinugod ang biktima sa Aklan Provincial Hospital.

Pinaniniwalaang problema sa pera dahil sa kahirapan ng buhay ang dahilan ng pagpapakamatay ng padre de pamilya.

Samantala, napag-alaman na noong nakaraang mga araw ay dinala sa pagamutan ang isa sa kanyang anak.

Ang nasabing biktima ay may apat na anak kung saan ang bunso nito ay pitong buwan pa lamang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.