Dahil sa kaguluhan sa Ukraine; Mga Pinoy worker, binabantayan

SINIGURO NG Palasyo na binabantayan ng gobyerno

ang kalagayan ng mga manggagawang Pinoy sa Ukraine kasunod ng mga marahas na kilos-protesta roon na ikinasawi ng hindi bababa sa 100 at ikinasugat ng daan-daang katao.

“The DFA has been monitoring the situation and making sure they are watching out for the welfare of Filipinos there,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Sa kasalukuyan, inihayag din ni Valte na wala pang Pinoy na naire-report na apektado o nasugatan sa nangyayaring kaguluhan sa nasabing bansa.

Samantala, Biyernes nang mapirmahan ang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Ukraine at oposisyon.

Gayunman, hindi pa rin humuhupa ang mga protesta sa lugar.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.