Dahil sa ingay sa bar: Costumers, nagbarilan; 1 patay, 1 sugatan

DEAD ON the spot ang isang lalaki sanhi ng maraming tama ng bala ng baril makaraang makipagbarilan umano sa isang pulis intel na costumer din ng resto bar sa Rizal St., Brgy. F.E. Marcos, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Supt. Manuel Hidalgo, kinilala ang nasawing biktima na si Arturo Pascual lV, 47 anyos, residente ng Eugenio St., Brgy. Canuto Ramos; samantalang isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan si PO3 Jimmy Isidro, 41, intel officer, nakatalaga sa nabanggit na siyudad.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Apolinario Tolentino, naganap ang barilan sa loob ng naturang bar dakong alas-11:10 ng gabi.

Nabatid sa kumpare ng biktima na tumangging magpakilala, niyaya umano siya na pumunta sa naturang bar gamit ang kanyang tricycle, kung saan nakainom lamang ng dalawang bote ng beer si Pascual, at nagyaya na rin itong umalis dahil sa lubhang maingay.

Subalit ilang minuto pa ang lumipas matapos makapagbayad sa counter, laking gulat na lamang nila ng umalingangaw na ang sunud-sunod na putok ng baril, kung saan hindi na nito nakita pa ang pangyayari dahil tumakbo na ito palabas ng bar.

Agad siyang umuwi ng bahay at ipinaalam sa asawa ang nangyari. Ilang minuto pa ang lumipas natagpuan na lamang ang duguang katawan ng biktima na wala nang buhay, habang personal namang pumunta ng ospital si PO3 Isidro, na may dalawang tama ng cal.45 sa katawan at daplis sa kanang bahagi ng ulo.

Ayon naman sa SOCO, nasa 22 basyo ng cal. 9mm na baril mula sa service firearms ng pulis ang kanilang natagpuan at 3 basyo ng cal. 45 sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala tumanggi namang magbigay ng pahayag sa media si P/Chief Insp. Norman Cahco, deputy chief of police ng San Jose City hinggil na naturang pamamaril.

Sumisigaw naman ng kataruangan ang pamilya ni Pascual, dahil sa uma-noy overkill na pagpatay ng naturang pulis sa biktima.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

2 thoughts on “Dahil sa ingay sa bar: Costumers, nagbarilan; 1 patay, 1 sugatan

  1. Just for the record lang po. Si Arturo Pascual IV ay hindi nagpunta sa resto bar para uminom lamang. Isa siya sa may-ari ng establishment particulary bee gees resto bar. .

  2. it says on your news…pinagbabaril si arturo pascual pero sa title nagbarilan…may hawak bang baril ang biktima???

Leave a Reply

Your email address will not be published.