Dahil sa illegal gambling; 22 PCP commanders p’wedeng masibak

NANGANGANIB NA masuspinde o mapatalsik sa puwesto ang 22 Police Community Precinct (PCP) commanders sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila dahil sa illegal gambling.

Inatasan na ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Marcelo Garbo ang mga PCP commander na magpaliwanag kung bakit talamak pa rin ang video karera at bookies sa nasasakupan matapos i-raid ng Regional Police Intelligence and Opera-ting Unit (RPIOU).

Kabilang sa mga pinagpapaliwanag ang ilang PCP commanders sa Caloocan, Malabon, Maynila, Muntinlupa at Quezon City.

Samantala, una rito, 30 pulis na rin ang pinakasuhan ni Garbo matapos mahuling hindi nakapuwesto sa mga inilatag na police checkpoint.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.