Dahil sa hiwalayan
Shooting ng pelikula nina Derek Ramsay at Cristine Reyes, madalas ma-pack-up

HINDI LANG ako sure kung guest co-host namin mamaya si Heart Evangelista.

Kukulitin ko siya talaga tungkol sa isyung break-up nina Derek Ramsay at Cristine Reyes.

Ang dinig ko kasi, nagkakaproblema ang pelikula nilang Trophy Wife dahil sa hiwalayan ng magkasintahan.

Bukod pa riyan, may problema pa raw sa pelikula na kailangan nilang mag-reshoot ng maraming eksena, kaya ewan ko kung paano maayos ‘yan ng Viva Films.

Ang kuwentong nakarating, madalas daw na napa-pack-up ang shooting ng Trophy Wife dahil sa problema nina Derek at Cristine. Kaya tingnan natin kung paano nila matapos ‘yan.

Naku! Magkukuwento kaya si Heart sa akin? Tingnan na lang natin.

 

LALONG LUMALALA na ang gulo nina Raymart Santiago at Claudine Barretto nang magpa-presscon ang aktres kasama ang ama niyang si Mr. Miguel Barretto at ang dalawa nilang abogado.

Humarap muna sila sa media bago tumuloy si Claudine sa Marikina Regional Trial Court para magsampa ng panibagong kasong Anti-Wiretapping Law laban kay Raymart.

Inireklamo kasi nila ang pagamit ni Raymart sa counter-affidavit nito ang mga litratong nagtuturok sa braso at binti na illegal drugs daw ang itinuturok nito.

Doon sa presscon ay lalong lumala ang problema dahil nadamay na sina Gretchen, Marjorie at JJ Barretto na sinabihan ni Claudine, at sinang-ayunan naman ng ama nila na magpalit na raw ito ng apelyido.

Ayun na! Kung anu-ano na ang mga nasabi nila, na mabuti na lang hindi na nag-react si Gretchen na nasa London pa yata.

Pero si Marjorie ang unang nag-react nang sinabi ng daddy nila na kaya nagkakaganu’n sila, hindi raw alam ni Mr. Barretto kung ano ang problema, either bad parents daw sila o may mga bad children lang daw sila.

Nasaktan si Marjorie sa sinabi ng kanilang ama dahil hindi raw niya maalala kung kailan daw siya naging bad daughter sa kanilang magulang.

Sabi nga ni Marjorie, hindi man daw siya nakapagbigay ng tulong sa pamilya dahil hindi naman siya kasing yaman nina Gretchen at Claudine, pero hindi raw niya maalala kung kailan siya naging bad daughter.

Tinatanong niya ngayon ang kanyang ama na i-enumerate kung saan siya naging masamang anak at babawi raw siya bago man lang daw sila magkakahiwa-hiwalay.

Madrama, ‘di ba? Pero nangyayari na talaga at lalong lumalaki ang kanilang problema kaya ewan ko kung maaayos pa ‘yan.

Si Claudine ngayon ang sinisisi nila kung bakit lumaki at lumala na ang gulo. Kaya sinabihan ni Marjorie si Claudine na wala itong karapatang pagsabihan silang magpalit na ng apelyido.

Ang gulo na, ‘di ba?

Si Raymart naman ay ayaw nang sagutin pa ang mga huling sinabi ni Claudine at ng ama nito, pati ng mga abogado nila.

Nagpadala lang sila ng statement at sinagot din ang tungkol sa isyung wire-tapping, pati ang pagda-drugs diumano ni Claudine na itinatanggi naman nito. Nagpakita pa nga sila ng resulta ng drug test na negative daw lahat.

Hay, naku! Abangan n’yo na lang bukas sa Startalk ang kuwentong ito na mas matindi pa sa drama na napapanood natin sa TV. Ang gusto kong marinig ay ang mga sagot ni Gretchen kung papatulan pa niya ito.

May mga sinasabi si Claudine na kailangan nilang sagutin. At si Raymart naman ay dapat din sigurong sagutin ang isa pang sinabi ni Claudine na sana raw ay wala silang pre-nuptial agreement. May kinalaman na naman sa pera ‘yan, na ‘yun lang yata ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit sila nagkakagulo.

Hay, naku! Nakakasawa na ‘tong subaybayan, pero matindi ang mga kuwento, kaya panoorin n’yo na lang sa Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Dahil sa hiwalayan
Shooting ng pelikula nina Derek Ramsay at Cristine Reyes, madalas ma-pack-up

  1. e GIMIK lng nman ung relasyon daw ng 2 manyakis nyan eh….atsaka ngtikiman lng cguro tpos di satisfied ang isat-isa kya ngsplit na kuno..

  2. Lolit,anong sabi ng alaga mo ibabalik bah yun pera,sobra ka kasing manglait,kaya pala ang tapang mo LOLIT……malaki nakuha sa pork barrel ng alaga mo,hindi nq kayo naawa sa mga kababayan natin na wala ng makain

  3. Palitan na lang sina Derek at Cristine sa pelikulang yan. Alam ko nasa Viva na rin si Jericho. Sana palitan na lang niya si Derek tapos si Cristine naman palitan na lang ni KC!

    • Asa pa sila na kikita ang pelekola na yan. Hakhakhak! Magsex video na lang sila nang magsex video, baka sakaling mabuhay pa ang mga career nila! Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.