Dahil sa hilaw na sinaing Binata, patay sa sumpak ng ama

 

BINARIL AT NAPATAY ang isang 22-anyos na binatilyo ng kanyang sariling ama dahil umano sa nahilaw na sinaing kamakalawa ng hapon sa Navotas.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng tama ng bala ng sumpak ang biktimang si Ryan Tabiana, 22, ng Block 6, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Kusa namang sumuko sa mga pulis ang suspek na si Romeo Tabiana, 50, ama ng biktima at nakatira sa nasabing tirahan.

Base sa ulat ni PO1 Joseph Provido, may hawak ng kaso, bandang alas-3:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama sa nabanggit na lugar.

Nabatid, bago umano maganap ang pamamaril, inutusan ng suspek ang kanyang anak para magsaing subalit ito ay nahilaw dahil napabayaan ng biktima.

Dahil dito ay nagsiklab sa galit ang suspek kung saan ay kaagad na kinuha nito ang nakatagong sumpak at pagkatapos ay binaril ang kanyang anak na tinamaan sa mukha na nagresulta sa maagang kamatayan ng biktima.

Matapos ang nasabing insidente, kusa namang sumuko ang suspek sa mga pulis na umaresto sa kanya kung saan ito ngayon ay nakapiit sa detention cell ng nasabing himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paricide.     (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.