Dahil sa global warming Ilang lugar sa bansa, lulubog

NAGBABALA ANG isang global science journal na unang lulubog ang libu-libong mga isla sa Timog-Silangang Asya at Pasipiko, kasama na ang Pilipinas, dahil sa global warming.

Dito sa bansa, tukoy na ng National Institute of Geological Sciences (NIGS) ng University of the Philippines (UP) kung aling mga lugar sa tabing-dagat ang maaaring unang tamaan.

Ayon sa mga eksperto, nakapagpapalala ng sitwasyon ang kabi-kabilang paglalagay ng deep well sa maraming lugar sa Metro Manila.

Mabilis nang lumulubog ang mga bayan ng Marilao at Meycauayan sa Bulacan; Caloocan; Malabon; Navotas; Muntinlupa at ang mga bayan ng Rosario at Dasmariñas sa Cavite, dagdag pa ng UP-NIGS.

Sa loob lang umano ng 10 taon ay lagpas-tuhod ang inilulubog ng mga bayang ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.