Dahil sa Galit sa Ina: Anak, Sinunog ang Bahay

ISANG BAHAY sa La Medalla, Baao, Camarines Sur ang natupok sa sunog alas-9:00 ng gabi kamakailan.

Pag-aari ang nasabing tirahan ng pamilya Villafuerte na walang naisalbang kagamitan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sinadya u-manong sunugin ang bahay.

Base na rin ito sa testimonya ng mismong kaanak ng nasunugan.

Isang Allan Villafuerte na nakatira sa nasunog na bahay ang itinuturong may kagagawan ng insidente.

Sinasabing lasing uma-

no ang salarin nang sunugin ang bahay gamit ang kandila.

Nabatid na minasama raw nito ang naging pangaral ng ina na tumigil na sa bisyong pag-inom ng alak.

Nang umuwi ang suspek, may bitbit na itong kandila at inutusan ang anak na sindihan ito para silaban ang kabahayan.

Samantala, hindi naman inakala ng bata na ang sinindihan niyang kandila ang magiging mitsa para mawalan sila ng tirahan.

Sa record naman ng BFF-Cams Sur, ito na ang ikalawang sunog na nangyari sa panahon ng fire prevention sa nasabing lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.