DAHIL SA GALIT NG SUPER JUNIOR FANS: ‘Home Sweetie Home’, tatapusin na?!

Home Sweetie Home’s Miles Ocampo, Katrina Legaspi and Michelle Vito

SABI NILA, ang mga KPOP fans ang pinaka-passionate na fandom sa mundo. Kung may masabi ka na negative comment tungkol sa isang grupo, asahan mo na bongga ang backlash na iyong matatamo.

Ito ang nangyari sa programa ng Kapamilya network na ‘Home Sweetie Home’. Hindi namin napanood ang buong episode, pero viral ngayon ang eksena na kinunan sa South Korea. Sa nasabing parte ng programa ay tinanong ni Empoy kung nasa bucketlist ba ng mga young stars na sina Miles Ocampo, Katrina Legaspi at Michelle Vito ang mahanap ang miyembro ng grupong ‘Super Junior’, na isa sa mga unang KPOP groups na sumikat worldwide.

‘Super Junior? Ewww! Sir Nards, BTS na ang uso ngayon napaka-tito mo talaga!’ litanya ng mga bagets sa show.

Ayon sa mga nakapanood, okay lang sa kanilang yung ‘old’ reference, pero ‘yung ewww? Nakakainsulto diumano.

Sadly, nadamay na ang tatlong female stars sa booboo sa script ng nasabing episode. Sa kanilang official account ay nagpahayag na rin ng public apology ang programa.

Eto na nga ba ang tatapos sa Home Sweetie Home? May tsismis kasi na magkakaroon diumano ng sitcom ang bagong Kapamilya na si Regine Velasquez. Abangan!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.