Dahil sa galit kay Lolit Solis: Rosanna Roces, sinabunutan si Pia Moran?!

OLA CHIKA! NAGKAUSAP kami ni Rosanna Roces, kuwentuhang magkaibigan lang kumbaga. May halong tawanan at kaunting okrayan, hanggang sa hindi na namalayan, napagkuwentuhan na namin ang pag-aaway nila ni Pia Moran, ang nag-iisang body language ng bansa.

Marami ang nagtaka kung bakit nag-away ang dalawa, samantalang wala namang napabalitang may hidwaan noon ang dalawang actress. Ang dahilan daw ng away, nadala ang dalawa sa kanilang actng, huh! Kalerke, ha?

Baka iniisip ng iba na gimik ang nangyari. Hindi po, dahil sa eksena nila, kung saan may sigawan lang, hindi na nasunod ang nakalagay sa script. Nakalmot mismo ni Pia Moran ang dibdib ni Osang, kaya nagdilim ang paningin ni Osang at nasabunutan si Pia. Akala nga ng karamihan ng nandu’n, akting pa rin ‘yun. Hahaha! Kaloka! Hindi nila alamna nagkakasakitan na nga ang dalawa.

Nang matanong ko si Osang kung bakit nagdilim ang kanyang paningin, naloka ako sa sagot nito. Kaya raw hindi niya napigilan ang sarili, sa tingin niya raw, si Manay Lolit Solis ang kaharap niya! Kaya ganu’n na lang kung banatan niya si Pia, at talaga namang matindi ang awayan ng dalawa, huh! Kalerke talaga!

Magpahanggang ngayon nga, hindi pa rin humuhupa ang galit ni Rosanna sa kasamahan kong kolumnista rito sa Pinoy Parazzi na si Manay Lolit. Naku, nakakaloka, ha?

Pero, agad namang naayos nina Osang at Pia ang kung anumang away nila, at hindi na nga nauwi pa sa matinding sakitan. ‘Yun na!

HINDI AKALAIN NG beauty queen/actress na si Ma. Isabel Lopez na lalabas dito sa Pinoy Parazzi ang aming napagkuwentuhan. Muling nagpasalamat ang beauty queen/ actress sa inyong lingkod. Wala pa nga rin itong pagbabago sa kanyang katawan, at sa kagandahan na hanggang ngayon, sexy pa rin.

Narito po ang ilang kuha na ipinadala sa aking e-mail mula kay Isabel. Hindi ko naman akalain na ipadadala niya ang mga ito sa akin. Natawa na lang ako nang makita ko ang mga larawan. Feeling ko tuloy, beauty queen din ako. Hahaha! Ano raw?!

Narito ang ilang mga larawang-kuha sa shooting mismo ng pelikulang Baklas, directed by Neil Buboy Tan. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

2 thoughts on “Dahil sa galit kay Lolit Solis: Rosanna Roces, sinabunutan si Pia Moran?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.