Dahil sa fishkill: 7 bayan sa Batangas isinailalim sa state of calamity!

IDINEKLARA KAHAPON NI Batangas Vice Governor Jose Antonio Leviste II ang state of calamity sa pitong bayan sa lalawigan dahil sa fishkill.

Ayon kay Leviste, napagdesisyunan ng Batangas Provincial Board noong Miyerkules ang resolusyon na nagdedeklarang nasa ilalim ng state of calamity ang mga bayan ng Talisay, Laurel, Agoncillo, San Nicolas, Alitagtag, Cuenca at Sta. Teresita.

Sampung milyon piso ang calamity fund na inaprubahan ng provincial board para itulong sa mga naapektuhang bayan.

Ayon kay Rosario Del Mundo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, umabot na sa P76.6-M ang halaga ng mga namatay na isda. (Parazzi Investigative  Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.