Dahil sa Facebook Comment
Binatilyo, Patay sa Bugbog

ISANG TRESE-ANYOS ang napatay sa bugbog dahil sa pagko-komento sa social networking site na Facebook.

Ayon sa paunang report, Nobyembre 16 nang abangan ng suspek na si alyas “Ariong Carriaga” ang biktimang si John Francis Bagaporo mula sa paaralan ng huli sa El Salvador City, Misamis Oriental.

Doon na umano pinagbubugbog ng 18-anyos na suspek ang binatilyo. Hindi umano nagustuhan ng suspek ang komento ni Bagaporo sa Facebook.

Kuwento ng ina ng biktima, tanging “wew” lang ang sinulat ng kanyang anak sa Facebook page ng kaklase niyang babae, na kasintahan umano ng kaibigan ni Carriaga.

Halos dalawang linggong hindi nakapasok sa paaralan si Bagaporo dahil sa pagkahilo at kahirapan sa paglalakad. Nagsusuka at nilalagnat din umano si Bagaporo dahil sa mga natamong bugbog sa katawan.

Ang bumarang dugo sa likurang bahagi ng nag-crack niyang bungo ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Humihingi ngayon ng hustisya ang pamilya ng biktima.

Patuloy naman ang pagtugis ng Misamis Police sa suspek.  

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.