Dahil sa Droga Live-in partner, niratrat

HINIHINALANG DROGA ang sanhi ng pananambang sa mag-live -in partner, kung saan nasawi ang babae  kahapon ng madaling-araw sa Davao City.

Dead on the spot si Ana Cristina Acosta habang ginagamot naman si Justin Tagle ng Barangay Tibungco.

Ayon sa saksi, naglakad sila pauwi mula sa videoke bar kasabay ang tatlo pa nitong kasama nang sundan sila ng isang armadong lalaki, sakay sa motor at pinaulanan ng bala.

Ayon naman sa mga pulis, posibleng ang mga kasama nito ang mga responsable.

Tatlong tama sa baywang, tiyan, at sa balikat ang ikinamatay ni Acosta, samantalang, tatlong bala rin ang tama ni Tagle sa paa.

Narekober mula sa crime scene ang tatlong basyo ng baril.

Nakuha naman mula sa bulsa ng babae ang tatlong aluminum foil na hinihinalang drug paraphernalia.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.