Dahil sa Droga; Kelot, Pinasabog ang Ulo

HINIHINALANG MAY kinalaman na sa iligal na droga ang ginawang pagpatay sa isang lalaki na binaril sa ulo nang malapitan ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Taguig City.

Nasawi agad ang hindi pa nakikilalang biktima na tinatayang nasa pagitan ng 45-50 taong gulang, may taas na 5’6” at nakasuot lamang ng asul na sando at brown na short pants.

Base sa report ng Taguig City Police, naganap ang krimen dakong alas-3:15 ng madaling araw sa kahabaan ng P. Mariano St., sa Barangay Ususan. Ayon sa mga residente, bigla na lamang silang nakarinig ng putok ng baril at nang puntahan ang pinangga-lingan nito ay nakita na ang duguang biktima na nakalugmok sa kalye.

Nakuha sa tabi ng labi ng biktima ang isang sachet na hinihinalang Shabu at basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa ngayon, hirap ang mga kinauukulan na kumalap ng impormasyon sa motibo ng pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga suspek dahil sa takot ng mga residente na makialam at sabihin ang nalalaman.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.