Dahil sa Droga: Ex-Con, Itinumba

PINAGBABARIL HANGGANG sa mapatay ang isang ex-convict habang isa pang lalaki ang sugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala ng baril mula sa isa sa dalawang kalalakihan na sinasabing may kaugnayan umano sa droga sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala ng .9mm caliber at caliber .45 ang biktimang si Eleozer Manansala, 27, binata, live-in partner, at naninirahan sa # 95 C. Apostol St., Brgy. 65 ng nasabing lungsod.

Samantala, habang kumakain ng tanghalian si Rodolfo Arriola, 51, alyas “Ompong”, live-in partner, ng # 469 Int. 3., Heroes Del 96, Brgy. 73, Caloocan City ay tinamaan ng ligaw na bala sa kanang binti at ngayon ay naka-confine sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center.

Pinaghahanap naman sa kasalukuyan ng Caloocan PNP sina Jojit Ibanga, alyas :Hapon”, ng Purok 16, # 469 Heroes del 96, Int. 6, Brgy 73; at isang hindi nakikilalang kasamahan ni Ibanga.

Sa pinagsamang imbestigasyon nina SPO3 Joel Montebon at SPO1 Frederick Manansala, mga may hawak ng kaso, naganap ang insidente sa isang compound na matatagpuan sa bahay na may numrong 469 Int. 3, Heroes del 96, Brgy. 73, bandang alas 12:30 ng hapon.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima, kasama si Jomar Paredes ay parehong nasa loob ng nasabing bahay. Biglang pumasok si Ibanga na armado ng baril at agad na pinagbabaril ang biktima ng maraming beses at hindi pa nasiyahan ay hinila pa nito ang biktima papalabas ng bahay at saka binaril uli ng isang beses na nagresulta ng maagang kamatayan ni Manansala.

Nang masiguro ni Ibanga na hindi na mabubuhay ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang dalawang suspek sa hindi nabatid na direksiyon dala-dala ang ginamit na baril sa krimen.

Napag-alaman mula sa ilang residente sa nabanggit na lugar na may kinalaman umano sa droga ang naganap na pagpatay sa biktima dahil si Ibanga ay isang kilalang “untouchable” drug pusher sa natu-rang lugar.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.