Dahil sa ‘di pagbebenta ng kalabaw Ama, kinatay ng anak; ina, sugatan

PATAY SA pananaksak ng sariling anak ang isang ama dahil lamang sa hindi pagpayag na maibenta ang alagang kalabaw sa North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Juanito Juala, isang magsasaka at residente ng Brgy. Sarayan, Matalam ng nasabing lalawigan.

Nais umano ng salarin na si Ruben Juala na ibenta ng kanyang ama ang kanilang kalabaw subalit nagmatigas ang biktima na ikinagalit nito.

Hanggang sa humantong sa pananaksak at idinamay pa ang kanyang ina na nagtamo ng sugat sa noo.

Bagama’t nakatakas ang suspek matapos ang krimen, nahuli naman ito ng mga awtoridad at nakapiit na sa Amas Provincial Jail sa Kidapawan City.            (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.