Dahil sa depresyon; guro, tumalon sa ika-3 palapag ng bahay

PATULOY NA inoobserbahan sa pagamutan ang isang public school teacher matapos tangkaing magpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon sa ikatlong palapag ng kanilang bahay sa Quezon.

Base sa impormasyon ng Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na dahil sa depresyong pinagdaraanan ay naisipang magpakamatay ng nasabing titser.

Napag-alaman kasing nakunan ito sa kanyang dinadala sa sinapupunan at kamamatay lang din ng kanyang ina.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima para sa kaukulang medikal na atensyon na nagtamo ng seryosong pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan .

Samantala, minabuti na hindi na pangalanan ang nasabing guro para na rin maiiwas sa kahihiyan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.