Dahil sa computer Tatay, sinaksak ng sariling anak

SUGATAN ANG ISANG ama matapos itong saksakin ng sariling anak nang magalit ang una sa huli dahil sa hindi pagsauli ng hiniram na monitor ng computer kahapon ng hapon sa Malabon City.

Nilapatan ng lunas sa Pa-gamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng tinamong sugat sa kamay ang biktimang si Marcelino Diaz, 62, may-asawa, No. 18 Bagong Lote, Brgy. Potrero, Malabon.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Marlon Diaz, 30, may-asawa, Information Technology, ng nasabi rin barangay at nakahandang sampahan ng kasong Attempted Parricide, na mabilis na nakatakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa natu-rang lugar.

Bago ang insidente, tumungo ang suspek sa bahay ng kanyang ama (biktima). Dito ay sinita ng huli ang una kung bakit hindi pa rin nito i-binabalik ang monitor ng computer na ikinagalit ng suspek.

Agad na kumuha ng patalim ang anak (suspek) at walang sabi-sabing sinaksak ang ama saka mabilis na tumakas habang dinala naman sa nasabing pagamutan ang matandang Diaz.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.