Dahil sa break-up nila ni Gerald Anderson: KIM CHIU, NAGTANGKANG MAG-SUICIDE?!

MARAMING NAGMAMAHAL NA kaanak ni Kim Chiu ganu’n na rin ang marami niyang tagahanga ang nagulat sa tsismis na diumano’y nag-attempt mag-suicide ang tsinitang young actress. Isang malapit sa young actress ang nagkuwento sa amin, na iyon daw ang malayong pagtangkaang gawin ng dalaga sa kanyang buhay, lalo pa’t kung ang magiging dahilan ay lalaki. Pupuwede raw na kung dahil sa kalungkutan tungkol sa lovelife ay magmukmok o sukdulan pa roon, ay iiyak talaga si Kim, dahil iyakin naman siya tungkol sa madadramang parte ng kanyang buhay. Pero hindi ang magpakamatay.

Malungkot lang si Kim, dahil hindi pa matapos-tapos ang isyu at pangungulit sa kanya tungkol sa break-up nila ni Gerald Anderson. Kahit ipinaliwanag na niya, na kaya siguro mayroong ganyang isyu ay dahil natapos na ang kanilang teleserye, parang marami pa rin ang hindi naniniwala sa kanya. Itinuturo ring dahilan ang pagkakaugnay ng pangalan ngayon ng kanyang ka-loveteam kay Bea Alonzo. Pinaghihinalaan tuloy si Kim na mayroon talaga siyang inililihim tungkol sa mga situwasyon.

Iginagarantiya naman ng mga nakakakilala kay Kim, na sa mga panahong ito ay napakasaya ng young actress dahil sa magandang nangyayari sa kanyang showbiz career, na bukod sa pinangarap talaga niya ay siyang bumago sa takbo ng kanyang buhay. Sobra raw ang pagmamahal ng dalaga sa kanyang trabaho. Para na nga raw hindi pansin ng ka-loveteam ni Gerald ang mga pagod na kanyang nararamdaman sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan. Kaya bakit daw sisirain ng dalaga ang kanyang buhay?

NAGBUNGA NG MAGANDA ang lagi at sobrang pananahimik ni Aga Muhlach kapag nagkakaroon sila ng tampuhan ng kanyang Tita Nena, na siyempre pa’y ang dating movie queen na si Miss Amalia Fuentes. Ilang taon din silang nagkatampuhan. Pero kahit na ano pa ang mga nabitiwang salita ng beteranang aktres, bilang pamangkin ay hindi inalis ng husband ni Charlene Gonzales ang kanyang respeto sa kapatid na kanyang daddy, lalo pa’t siya ang paborito nitong pamangkin.

Bilang kaanak, kilalang-kilala naman ni Aga ang ugali ng kanyang Tita Nena. Kapag nagsimula na raw kasing magsalita ng pagtataray ang dating movie queen ay dire-diretso na, at hindi mo mapipigilan. Napatunayan naman iyon, dahil kahit si Liezl Martinez na anak ng beteranang aktres, nakatitikim din ng todo-todong pagtataray ng kanyang mommy, pero nananahimik na lang din. Ganu’n din ang ginagawa ni Aga, hindi na lang niya sinasabayan ang mga pagmamaktol ng kanyang Tita.

Happy siyempre si Aga dahil kalmado na ngayon ang situwasyon nila ng kanyang Tita Nena. Kaya nga, hindi nakapagtataka kung isang araw ay madidinig na natin sa kanyang interbyu, na sobrang pinupuri na ni Amalia si Aga, lalo pa’t sobrang proud siya sa kanyang pamangkin sa maganda nitong pag-aalaga sa kanyang image at movie career, kaya hanggang ngayong ay bankable star pa rin siyang maituturing.

KAPANSIN-PANSIN NA TAKAW-KONTROBERSIYA lagi ang lovelife ni Lovi Poe. Hanggang ngayon kasi ay may kabuntot pa ring mga malulungkot na kuwento ang tungkol sa paghihiwalay ng landas nila ni Jolo Revilla. Pero ngayon naman daw ay masusubok ang katatagan ng bagong pakikipagrelasyon niya sa kanyang boyfriend na si Mr. Ronald Singson. Ito ay dahil sa balitang diumano’y may matinding problemang pinagdaranan ngayon sa kanyang buhay ang anak ni Governor Chavit Singson.

Pupuwedeng sa mga pinagdaraanan daw ngayon ni Mr. Ronald Singson ay maapektuhan ang relasyon nila ni Lovi. Pero nasa desisyon na rin iyon ng magandang young star kung papaano niya pagtitiisan ang mga pangyayari. Ang nakalulungkot lang sa kanya ay napakabata pa niyang nagsimulang magkaroon ng masalimuot na lovelife. Kaya nga hindi nakapagtataka na palaging kabado ang mommy niyang si Rowena Moran kapag mayroong karelasyon ang kanyang anak.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleShowtime, na-trauma na kay Rosanna Roces kaya hindi inimbitahan sa grand finals!
Next articleAirport-Buzz: John Foo

No posts to display