Dahil sa break-up nila ng BF Iza Calzado, malungkot sa kanyang kaarawan!

NALULUHA MAN AT may lungkot na nararamdaman, pilit na pinasasaya ni Iza Calzado ang naging selebrasyon ng kanyang kaarawan, dahil na rin sa break-up nila ng businessman boyfriend na tumatagal ng 2 ½ years.

Ayon kay Iza, maayos naman daw silang naghiwalay ng kanyang boyfriend at parehong nag-agree na putulin at tuldukan na ang kanilang relasyon. Tsika pa ng magandang aktres, wala raw siyang pinagsisisihan sa nangyari sa kanilang relasyon.

Sa ngayon daw, magpo-focus muna si Iza sa kanyang trabaho at hindi muna magbibigay ng oras sa lovelife. Hindi naman daw kasi ganu’n kabilis makalimot at maghilom ang sugat sanhi ng kani-lang break-up, lalo na’t mahal na mahal mo ‘yung tao.

 

WELL-ATTENDED ANG HALOS lahat ng tagahanga ng isa sa prime artist ng TV5 na si Meg Imperial sa ginanap nitong kauna-unahang Fans Day sa SM Taytay, kung saan naging espesyal nitong panauhin ang kanyang ka-loveteam sa Bagets na si Aki Torio.

Naghandog ng awitin at sayaw si Meg para sa mga dumalong taga-hanga. Nagkaroon din ng pagkakataong makalaro ng kanyang mga tagahanga si Meg sa mga inihandang games plus authograph signing at picture-taking, samantalang kilig naman ang dulot ng duet song number nila ni Aki.

Pero bago ginanap ang Fans Day ni Meg, isang bonggang-bonggang fashion show muna ang naganap para sa mga bridal collection ng sikat na designer na si Ryan Sarangay, na siya ring gu-magawa ng gowns nina Melanie Marquez , Precious Lara Quigaman, atbp., kung saan si Meg ang celebrity endorser.

Maraming humanga sa kagandahan ni Meg nang rumampa ito suot ang napaka-eleganteng puting wedding gown bilang finale ng nasabing fashion show na talaga namang puro papuri ang namutawi sa mga labi ng mga taong naroroon.

MUKHANG NAGKAKA-DEVELOPAN NA ang mga stars ng no. 1 youth-oriented show sa bansa after mapabalita ang sobrang sweet ng mga loveteam nina Bea Binene at Jake Vargas, Kristoffer Martin at Joyce Ching, at ang bagong nilulutong loveteam naman ng GMA-7 na sina Hiro Magalona (isa sa mainstay at aabangan sa Iglot) at Kim Komatsu (napapanood naman sa Sinner or Saint).

At nang tanungin namin itong si Hiro, isang matalinhagang ngiti ang isinukli nito sa amin sabay sabing, “Bagay naman kami, ‘di ba?”

Totoo raw na nagiging sobrang close sila ni Kim at aminado siyang crush niya ang magandang young star at wala naman daw masama dahil pareho naman silang single and available.

Pero career daw muna ang kanilang first priority, dahil sayang naman daw ‘yung tiwalang i-binibigay sa kanila ng GMA-7 kung mas pagtutuunan nila ng pansin ang pagkakaroon ng karelasyon. Sa ngayon daw ay okey sila ni Kim na very special sa isa’t isa at nagkakaintindihan sa maraming bagay at mas kinikilala ang isa’t isa.

 

NAPATAWA NA LANG ang star ng Time of My life na si LJ Reyes nang matanong kung magseselos ba siya kung saka-sakaling may ma-link sa kanyang hubby na si Paulo Avelino sa bago nitong ta-hanan, ang ABS-CBN.

Tsika ni LJ, buo raw ang tiwala niya kay Paulo at ayaw niyang pasukin ng selos ang kanyang isipan. Ngayon pa raw ba siya magseselos samantalang may baby Aki na sila?

Alam naman daw ni LJ na darating ang oras na may mali-link kay Paulo, lalo na’t may makakasama itong mga artistang babae sa mga soap na gagawin nito sa Kapamilya Network.

Pero nagkakaunawaan naman daw  sila ni Paulo, kaya naman daw deadma na lang siya sa kung sino mang babae ang madidikit sa pangalan ng kanyang guwapitong hubby. Ayaw raw nitong masira ang kanilang pamilya nang dahil lang sa selos. ‘Yun na!

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Dahil sa break-up nila ng BF Iza Calzado, malungkot sa kanyang kaarawan!

  1. @hellur nakita ko na din si iza sa personal mukha lang siyang suplada pero pag i-approach mo siya mabait din naman soft spoken at ang ganda niya …..sweet si atticus  kay iza pero hindi siya showy sa public ..pero look at their pics sa FB ang sweet nila lalo na yung sa palawan vacation nila ….

  2. Twice ko ng nakita yang si Iza & Atticus, feeling ko si Iza lang ang in love sa kanilang 2. Ni hindi nga sya inaalalayan nung Atticus pag naglalakad. Mukha ding isnabera at mayabang si Iza sa personal at talagang big boned ang lola mo at ang baba ng boobs…….. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.