Dahil sa Bomb Threat: Klase sa High School sa Pasig, Kinansela

KINANSELA KAHAPON ang klase sa Santolan National High School sa Santolan, Pasig City matapos mabulabog dahil sa bomb threat.

Sinabi ni Senior Superintendent Mario Rariza, hepe ng Pasig Police na bandang alas-8:00 ng umaga kahapon nang makatanggap ng tawag ang isang kawani ng eskwelahan na nagsasabing may sa-

sabog na bomba roon.

Agad namang inilikas sa nasabing paaralan ang mga estudyante.

Pero nang duma-ting ang bomb squad at suyurin ang buong gusali, nagnegatibo naman ang babala.

Samantala, wala na-

mang nasugatan o nasaktan sa nasabing pangyayari.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.