Dahil sa basura, barangay tumanggap ng pabuya

DAHIL SA TAMANG pagsasaayos ng mga basura sa kanilang barangay, binigyan ng pabuya ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang Barangay Navotas East bilang “best in solid waste management practices” at clean and green barangay, sa ginanap na ceremony sa City Hall complex.

Tumanggap ng halagang P50,000 cash prize at plake ang Navotas East, dahil sa napanatili nilang malinis ang kanilang barangay at tamang paghiwa-hiwalay ng basura, sumunod naman ang mga barangay ng North Bay Boulevard North, Tanza at San Jose.

Maging ang 14 na barangay streetsweeper ay pinuri rin. Ito ay sina Villa Gallardo, San Rafael Village; Leonila Cantutay, North Bay Boulevard South; Eufronio Lagos, NBBN; Rexie Badilles, Bangkulasi; Rolando Malgapo, Bagumbayan South; Theresa Adolfo, BBN; Leticia Romero, Navotas West; Domingo Evardo, Navotas East; Bonifacia Boholano, Sipac-Almacen; Esgar Labrador, San Jose; Violeta Panes, Daang Hari; Mercedita Ignacio, San Roque; Robina Arabejo, Tangos; and Angelita Ausa, Tanza.

Ito’y matapos mapagpasiyahan nina Primitiva Sy, ng Kaunlaran sa Kalikasan, Inc.; Raquel Roaquin, Metro Manila Development Authority; at Cyrus Serrano, Kiwanis president.

Kasabay nito, hinikayat din ng alkalde ang mga Sanggunian ng Kabataan sa 14 barangay na tumulong sa pagkampanya na panatilihing malinis ang kapaligiran.

“Ikinagagalak ko ang mga barangay na tumutupad sa kanilang tungkulin at mas nakakatuwa kung ang buong 14 barangay ay magiging kagaya ng barangay Navotas East,” ani pa ni Tiangco.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.