Dahil sa Barya: 2 Totoy, Ginahasa ng Manyakis na Kapit-Bahay

 

MAGKASABAY NA dumulog sa himpilan ng pulisya ang dalawang batang paslit kasama ang kanilang mga magulang upang ipagharap ng reklamo ang kanilang kapit-bahay na umano’y gumahasa sa kanila sa Brgy. Citrus Sapang-Palay, San Jose del Monte City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Mark Rivero kay PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Bernardo Santiago Y Infortuno, 41 anyos, residente sa nabanggit na lugar, samantalang ang mga biktima naman ay itinago sa pangalang Matt, 6-anyos; at Jeff, 7-anyos, kapit-bahay ng suspek.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad dakong alas-5 ng hapon nang maganap ang insidente ng panghahalay sa magkaibigang biktima sa loob ng tahanan ng suspek.

Nabatid na bago ang insidente, tinawag umano ng suspek ang dalawa na pumunta sa kanyang bahay, at makalipas ang ilang minuto’y binigyan sila ang pera, bagay na labis na ipinagtaka ng dalawa ang pangyayari kung bakit sila binigyan ng pera.

Ayon sa dalawang paslit, makalipas ang ilang minuto, bigla na lamang isinara ng suspek ang pintuan ng kanyang kuwarto, at dito’y sapilitan umanong ipinasubo ng suspek ang kanyang ari sa bibig ng dalawang bata.

Kauganay nito, detenido ngayon ang suspek sa San Jose del Monte City Jail sa kasong Rape at paglabag sa Republic Act 7610.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.