Dahil sa banta ng lindol Gusali ng kongreso’t senado kinatatakutang gumuho

PINANGANGAMBAHANG MAGIBA O tuluyan nang mawasak ang gusali ng Batasang Pambansa sa sandaling tumama sa bansa ang malakas na lindol na yumanig sa Japan kamakailan.

Batay sa pagsasaliksik ng Pinoy Parazzi, ang mga gusaling mahigit sa labing limang (15) taon nang nakatayo ay lubhang mapanganib na sa lindol, dahil marupok na umano ang mga semento nito.

Dahil dito, nanawagan si Congressman Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. ng Pampanga na magkaroon ng agarang pagsusuri sa mga pampublikong gusali sa buong bansa.

Kabilang sa mga pangunahing pinasusuri ni Gonzales, ay ang Batasang Pambansa, Senado at marami pang ibang gusali.

Binanggit pa ni Gonzales, na ang gusali ng Batasang Pambansa ay isang kilometro lang ang layo mula sa Marikina faultline.

Sinabi pa ng mambabatas mula sa Pampanga, na lahat ng mga gusali na itinayo mula sa taong 1992 pababa ay awtomatikong isasailalim sa masususing pagsusuri.

Matatandaang itinayo ang Batasang Pambansa complex noong pang taong 1978 na u-maabot na ng 33 taong nakatayo sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Kasabay nito, hinikayat din ni Gonzales ang mga civil enginee-ring professional organizations na tumulong sa pamahalaan upang madetermina ang mga gusaling may posibilidad na gumuho pagdating ng malakas na lindol sa bansa.

Idinagdag pa ni Gonzales, na kailangan magawan ng paraan kung ano ang pinakamagandang gagawin ng gobyerno upang maprotektahan ang mamamayan sa oras ng lindol.

Ayon pa kay Gonzales, ang Batasang Pambansa ay mayroong mahigit dalawang daang mga kongresista na nag-ooffice dito at ito rin anya, ang venue ng State of the Nation Address ng pangulo ng bansa na nakatakdang isagawa sa ikatlong linggo ng Hulyo.

Kaugnay nito, sinabi ni Gonzales na kaila-ngang magkaroon ng rebisahin ang civil engineering curriculum upang malaman ang kulang nito at madagdagan kung kinakailangan upang maiwasan ang malaking pagkasira ng mga gusali sa buong kapuluan.  (JOEL O. AMONGO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.