Dahil sa baha
Force evacuation, Ipinatupad sa Butuan

IPINATUPAD NG city government ng Butuan ang forced evacuation sa mga barangay na apektado dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig-baha.

Sinabi ni Butuan City Mayor Dr. Ferdinand Amante, Jr. na nagpalabas siya ng memorandom matapos na u-

mabot sa alert level 3 ang water level sa Agusan River na may lalim na 3.2 meter na kinokonsiderang nasa kritikan na lebel na.

Nitong nakaraang Martes sinuspende ang klase mula sa pre-school hanggang sa elementary at nadagdag sa suspensyon kamakalawa ang high school dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Samantala, napag-alaman din na umaabot sa 29 na mga barangay ang lubog sa baha.

Sa ngayon, nasa 12 sa mga nabanggit na lugar ang pinalikas ang mga residente patungo sa evacuation centers.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.