Dahil sa babae sa bar Mister, Kritikal sa Bugbog

MUNTIK NG mamatay ang isang mister matapos magtamo ng malalaki at malalim na sugat sa ulo gawa ng knuckle na ginamit sa pananakit sa kanya ng isang lalaki.

Dahilan ito ng matinding selos ng nasabing suspek sa isang babae mula sa videoke bar na iniuwi umano ng biktima sa kanyang bahay sa Barangay Pias, San Fernando City.

Ayon kay Barangay Captain Romulo Rivera, kinilala nito ang biktima na si Jerry Sotero, 41, may asawa, habang ang suspek ay si Salvador Opeña, kapwa residente ng naturang barangay.

Nagpapahinga na umano ang biktima sa higaan na nasa likod ng kanilang bahay nang bigla siyang atakehin ng suspek at binugbog sa ulo gamit ang knuckle, ayon pa kay Rivera.

Agad namang isinugod ito sa pribadong pagamutan sa siyudad habang ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.